Catriona Gray Academy tigil-operasyon muna dahil sa problema ni Nas Daily kay Apo Whang-Od

Whang-Od, Nas Daily, Catriona Gray

NAGDESISYON na rin ang talent management ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na itigil muna ang operasyon at pagtanggap ng estudyante ng Catriona Gray Academy.

Ito’y sa gitna na rin ng kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ni Nas Daily dahil sa umano’y panggagamit nito sa pinakamatandang mambabatok o tattoo artist sa Kalinga na si Apo Whang-Od.

Mainit na usapin pa rin hanggang ngayon sa social media ang tungkol dito matapos ngang akusahan ng apo ni Whang-Od ang NAS Academy na ginagamit at sinasamantala raw nito ang oldest traditional tattoo artist.

Anito, isang scam daw ang napabalitang Whang-Od Academy na isa sa mga ino-offer na kurso sa NAS Academy.

Nagpaliwanag na si Nas Daily sa kontrobersiyang ito at naglabas nga ng ebidensya na alam daw ni Whang-Od ang tungkol sa kursong io-offer nila gamit ang kanyang pangalan.

“We approached Whang-Od because just like you, we love her. We love her traditions, and are inspired by her. We wanted to share her culture for future generations to appreciate and respect the ancient Kalinga tradition of mambabatok,” saad nito.

“So we pitched her family the idea of creating Whang-Od Academy. Her and her family present both loved this idea, and have worked WITH US to build it, with Whang-Od teaching herself.

“As a matter of fact, Whang-Od’s trusted niece, Estella Palangdao, was present and translated the content of the contract prior to Whang-Od affixing her thumbprint, signifying her full consent to the project.

“This is the clearest evidence that it is not a scam and achieved the consent of her and her immediate family,” ani Nas.

Kasunod nito, nadamay na nga si Catriona sa issue dahil nga sa kanyang Catriona Gray Academy sa NAS. Hinikayat siya ng madlang pipol na magsalita tungkol sa Whang-od Academy controversy.

“Take a stand on the Apo Whang-od issue.”

“Dapat itigil na rin ni Catriona ang participation sa NAS Academy na yan hanggat hindi pa nare-resolve ang problem kay Apo Whang od.”

“Research din regarding don sa vlog nya na Nas daily ‘Shipping trap’ which is ang kalat nya don mali mali info nya.”

“You can make your own academy huwag pa gamit kay Nas lols budol yan.”

Ilan lamang yan sa mga mensahe ng netizens para kay Catriona. 

At ngayong araw nga, naglabas na rin ng pahayag ang management ni Catriona hinggil sa issue.

“Cornerstone Entertainment, Catriona Gray and NAS Academy have agreed to stop accepting new applicants for the Catriona Gray Academy until the issue of Whang-od has been fully resolved.

“NAS Academy is currently committed to working with the NCIP to make sure all proper processes are followed.

“Cornerstone will continue to monitor the progress of this incident,” sabi pa sa official statement.

Read more...