Cassy pinayagan na nina Zoren at Carmina na magpaligaw pero bawal pa ring mag-boyfriend

Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso at Darren Espanto

PINAYAGAN na ng Kapuso couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ang dalagang anak na si Cassy Legaspi na magpaligaw.

Yes, pwedeng-pwede nang tumanggap at mag-entertain ngayon ng suitors ang young actress at TV host kaya naman siguradong pila-balde ang magkakainteres na pormahan siya.

Ito ang inamin ni Cassy sa nakaraang virtual media conference para sa kauna-unahan niyang solo endorsement, ang Palmolive shampoo. 

Tinanong namin ang 20-year-old twin sister ni Mavy Legaspi sa nasabing presscon kung pwede na siyang mag-boyfriend ngayon at kung pinayagan na siya ng kanyang parents na magkaroon ng lovelife.

Sey ni Cassy, “Kung may manligaw sa akin, pwede naman daw, sabi ko, ‘Wow! Talaga?’ Ha-hahaha! Kasi 20 na raw ako. So parang okay na sila with it.

“Pero boyfriend, bawal, bawal pa. Ano muna, work and school,” natatawa pang chika ng Kapuso youngstar.

Dalawang young male stars ang nali-link ngayon sa dalaga, sina Darren Espanto at Joaquin Domagoso. So, ang tanong sino kaya sa kanila ang totoong nanliligaw kay Cassy?

Samantala, tuwang-tuwa pero halatang nahiya ang dalaga nang hingan siya ng reaksyon sa mga nagsasabi na isa raw siya sa “nicest celebrities” sa showbiz industry.

“Wait, nakilig ako diyan! Ha-hahaha! Of course I have to be nice. I feel like everybody has to be nice to one another or at least respect one another. Sa mga fans ko thank you so much!” pahayag ng aktres.

Patuloy pang chika ng anak nina Zoren at Carmina, “I recently opened my Twitter account and I do not regret it because that’s where I can get to communicate with my followers more.

“Sometimes they would tweet something, and I would tweet photos, and I would comment or I would like.

“I feel like your fans shouldn’t be treated as someone lower, dapat friends lang sila or family kaya nga I call my fans, fan-mily,” diin pa ni Cassy.

Read more...