Gary, Angeli ipinagdiwang ang 37th wedding anniversary; nagpapasalamat na wala pang social media noon

IPINAGDIWANG ng mag-asawang Gary at Angeli Valenciano ang kanilang 37th wedding anniversary kahapon, Agosto 6.

Masasabing isa ang kanilang relasyon sa mga pinakamatatag na relasyon sa industriya. Sa paglipas ng panahon ay tila wala itong kupas at mas lalo pang tumitibay.

Sa Instagram post ni Angeli, binalikan nito ang naging pangyayari noong kinasal sila sa Canlubang, Laguna.

Nagpapasalamat ito sa Diyos dahil sa pagbibigay nito sa kanya ng pamilya at asawa. Marami rin daw siyang natutunan na basic values tulad ng patience, perseverance, self-control, at peace.

Nagpapasalamat rin ito na hindi pa uso ang social media noon dahil katakot-takot daw ang bash na matatanggap niya kung sakali.

Ngunit kahit wala pa ang social media ay dumaan rin sa maraming pangungutya si Angeli.

“In 1984, 7 months pregnant & totally bashed by media (imagine if there was social media then), I married Gary in Canlubang, thanks to the Yulo family.

“The year after we had our church wedding in Villa Escudero thanks to our Ninong Ado. Against all odds & predictions, Gary and I fought for our “controversial” relationship as I was 6 years older than him,” panimula nito.

20 years old lang si Gary noon samantalang si Angeli naman ay turning 26 years old na nang sila’y ikasal. Idagdag mo pa rito na nagsisimula pa lamang noon sa industriya si Gary.

“I cannot praise the Lord enough for His faithfulness, unwavering love and provision and protective mantle over my husband’s and my life.

“So many have supported us all these years & I want thank you as well, & you know who you are. Special mention would be Paolo, Samantha and Leia, Gab & Kiana.

“With marriage comes many happy times but also seasons of heartache, arguments, & battles that can create a lot of strain on the relationship.”

Matatandaan na bago pa man mabuo ang love story ni Angeli at Gary ay naging ka-relasyon nito ang nakababatang kapatid ni Angeli na si Felichi.

Umabot lamang ng dalawang buwan ang kanilang relasyon dahil nahuhulog na pala ang loob ni Gary kay Angeli.

Nang lumaon naman ay naging maayos na ang samahan nila at sa katunayan, naging magkaibigan rin si Felichi at Gary.

Isa nga lang ito sa mga pagsubok na pinagdaanan ng dalawa ngunit nalagpasan rin dahil na rin sa kanilang pananampalataya sa Diyos.

Nagbigay rin siya ng advice para sa mga young couples at biro pa nito, even for the old ones daw.

“When you make a vow with your partner, you may eventually want to break it and you end up thinking you won’t be able to make it. But remember the wedding lines were ‘for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness or in health … till death do us part’.

“I am sure most of you have experienced that the challenges, struggles & trials are real. But remember God said that He will never leave us nor forsake us. We can do all things through Him who strengthens us.

“And we must learn to love & listen unconditionally, selflessly forgiving all the time (even if you want to make him disappear sometimes), submitting to one another, & most important, earnestly reading His Word.

Sa huli ay binati rin nito ang asawa ng happy birthday dahil kasabay ng kanilang wedding anniversary ay ang kaarawan ni Gary V.

Read more...