Naghahanap ka ba ng pagkakakitaan? Baka eto na yung negosyong magpapayaman sa’yo

Sa panahon ngayon na nahirapan ang lahat dahil sa pandemic, paano ka ba kikita ng extra pera?

‘Yan ang tanong ni Aina Tejada sa sarili matapos niyang ma-realize na hindi biro ang naidulot ng pandemya sa kabuhayan niya. Kaya naman nung nalaman niya na pwede siyang maging reseller ng products ng Orabella Direct Selling Inc. na matagal na niyang ginagamit, hindi na siya nagdalawang isip na subukan itong gawing negosyo.

“Nung nagsimula ako as a reseller sa Orabella, dun ko na-realize na ang sarap pala magkaroon ng extra income. Kasi ang laking tulong nito para makapagprovide ako sa family ko,” aniya.

Ang Orabella ay isang direct selling company na nagsimula noong 2017 at nag-ooffer ng quality but affordable skin care products na tumutulong sa pag-whiten at pag-rejuvenate ng skin.

Nitong nakaraang Enero, inilunsad ng Orabella ang kanilang bagong rejuvenating set, ang Orabella Defense Factor System, na naglalaman ng Soap, Toning Gel, Spot Solution, Specialist Cream, at Suncare Lotion. 

Isa si Aina sa maraming Pilipino na nakasubok ng products ng Orabella at napabilib sa galing nitong magpaganda ng kutis ng hindi kailangan magtiis. Kumpara sa ibang mga rejuvenating sets na nasa merkado ngayon, ang Defense Factor System lang ang nakakapagpaganda ng skin ng walang mahapding pagbabalat.

Kaya naman nung naging reseller na si Aina, hindi siya nahirapang ibenta ito sa mga kakilala at kaibigan niya. Sa bilis at dami ng naibenta nyang products, naging distributor na agad si Aina at lumago na ang negosyo niya sa loob lamang ng isang buwan.

“Sobrang natuwa lahat ng kakilala ko nung nasubukan nila yung products (ng Orabella). Nakita nila kung gaano ka-effective yung products kaya nung naging distributor na ako, nakumbinsi ko na rin silang maging reseller ko,” dagdag ni Aina.

Nang maitanong si Aina kung anong advice ang pwede niyang ibigay sa mga nagsusubok rin magkaroon ng sariling negosyo, eto ang sinabi nya: “Syempre una, kailangan mo talaga magsumikap para ma-reach mo yung goals mo. Pero importante rin na makahanap kayo ng supportive partner na tutulong magpalago ng business niyo, tulad ng ginawa ng Orabella para sa akin.”

Maliban sa Defense Factor System, meron ring NanoCare Body Set ang Orabella na naglalaman ng Whitening 5-in-1 Deodorant, Whitening Soap, Whitening Hand and Body Lotion, at Whitening Intimate Wash.

Ang Orabella Defense Factor System at ang NanoCare Body Set ay available sa Lazada, Shopee, at sa mga Resellers/Distributors/Franchisees nationwide. Follow Orabella on Facebook and Instagram or visit www.orabella.com.ph para maging member today!

ADVT

Read more...