Long Mejia nag-sorry kay Ellen Adarna matapos tawagin itong ‘unprofessional’

Sunud-sunod ang buga ng bibig ni Long Mejia sa panayam sa kanya ng online website tungkol sa pag-walk out ni Ellen Adarna sa last taping day ng “John En Ellen” na ginanap sa isang resort sa Batangas dahil hindi raw nito tinapos ang taping gayung bayad siya.

Nabanggit pa ni Long na kinakailangang mag-public apology si Ellen sa mga taong iniwan nito. Ipinaliwanag din ng komedyante na mahal na mahal niya ang programa kung saan kabilang siya.

Nabanggit pa nitong kasama ni Ellen si Derek sa buong lock-in taping nila sa kuwarto nito gayung ang production ang nagbabayad ng lahat-lahat at nagsosolo pa sila pagdating sa pagkain.

Pero kagabi ay binawi lahat ni Long ang mga maaanghang na salitang sinabi niya tungkol kina Ellen at fiancé nitong si Derek Ramsay.

Napaka-unprofessional daw ng ginawa ng aktres at hindi man lang nahiya sa veteran actor na si Ronaldo Valdez na hindi na lang kumibo sa nangyari.

Anyway, nagpadala ng video si Long sa online website kung saan siya nagpa-interview para i-retract ang mga pinagsasabi niya kina Ellen at Derek.

Sabi ni Long, “Hi Ellen, ako ay tiklop-tuhod na humihingi sa iyo ng pasensya. Pasensya na sa nasabi ko, eh, opinyon ko lang naman dahil sa pagmamahal ko sa show na “John En Ellen” na hindi ko alam ang mga pangyayari na nagaganap nu’ng araw na ‘yun dahil wala naman sa aking nagsabi kung ano ang nagaganap, eh, nakapagsalita ako ng hindi maganda na wala pala akong basehan.

“Kaya kay Ellen Adarna, kaibigan naman kita Ellen, pasensya ka na dahil nu’ng araw na ‘yun na sinabing aalis ka ay nalungkot din ako dahil hindi na pala tayo magkikita. Pasensiya ka na Ellen at wala naman akong ibig sabihin.

“Tulad ng sinabi ko sa iyo, walang nag-inform sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari sa paligid, kung ano yung nagaganap. Yung mga nasabi ko ay dala na rin siguro ng emosyon ko dahil alam mo naman, mahal na mahal ko ang “John En Ellen” na palabas dahil, una sa lahat, trabaho. Isa pa, nakapasaya nung magkasama kami nina Ellen Adarna, John Estrada.”

At pati kay Derek ay nagpaliwanag si Long na biro lang ang pagtawag nitong P.A. siya ng aktres.

“Kay Pareng Derek, yung mga biro ko sa iyo na, ‘Si Derek parang P.A. ni Ellen,’ biro ‘yun. Binibiro lang kita. Di ba, sinasabi ko sa iyo, Len? ‘Gandang lalaki ng P.A. mo, ha, natatawa lang si Ellen.

“Derek, magkaibigan tayo. Magkaibigan tayo, Derek. Pasensya ka na. Wala akong ibig sabihin. Wala akong ibig sabihin na masama. Basta ang hangad ko, kayong dalawa ay maging ayos. Derek ah, huwag ka magtampo sa akin. I love you, Derek. I love you, Ellen. Pasensya na po.”

* * *

Siksik sa pinakamalalaki at inaabangang mga pelikula at concerts ang iWantTFC ngayong Agosto dahil dadalhin nito ang “Revirginized” ni Sharon Cuneta, ang digital concerts nina Rico Blanco at Ian Veneracion, at marami pang iba sa buong mundo.

Isang mapusok na Sharon Cuneta ang magbabalik-pelikula kasama si Marco Gumabao sa sexy film na “Revirginized”, kung saan susubukan ni Mega na umibig muli pagkatapos siyang iwan ng kanyang asawa. Mapapanood ito simula Agosto 6.

Haharanahin naman ni Ian Veneracion ang fans niya sa “Pajamajama: An Online Sleepover with Ian”. Kiligin at makikanta kasama ang ultimate heartthrob ngayong Agosto 27 ng 8 PM (Manila time) at Agosto 28 ng 11 AM (Manila time).

Gaganapin naman ang virtual concert na “Rico Blanco Songbook: Musical Stories by Rico Blanco” kasama ang December Avenue, Ebe Dancel, Callalily, Spongecola, Gibbs Sisters, Earl Generao, Mayonnaise, This Band, John Roa, Raphiel Shannon, Janine Teñoso, at Sarah Geronimo sa Agosto 7 ng 8 PM (Manila time).

Read more...