SA muling paghihigpit sa buong Kamaynilaan na dala ng pandemya at sa isa na namang pagkakataon ay sasailalim ito sa Extreme Community lockdown mula Agosto 6 hanggang 20.
Magiging limitado ulit ang paglabas at pamimili ng ating mga kababayan kaya naman ang toktok, isa sa pinakamalaking delivery app sa bansa, ay magkakaroon ng full operation sa kahabaan ng ECQ.
Ang trainings para sa riders at operators ay bukas pa din mula Lunes hanggang Sabado tuwing 10am at 1pm at ang kanilang customer service representative ay sasagot sa inyong mga katanungan araw-araw mula 8 a.m. hanggang 4 p.m.. Maaari rin silang macontact sa kanilang mga social media pages.
Bilang may pinakamababang delivery rate sa buong bansa, pinalawak na din ang mapagpipiliang sasakyan na magagamit sa pagdedeliver ng inyong mga padala. Depende sa bigat at laki ng iyong kargamento, maaaring gumamit ng 2 wheels to 4 wheels, magmula motor, sedan, van at mga truck ay maari mo nang i-book.
Bukod pa sa pagiging isang delivery app, maaari na din gamitin ang kanilang Pabili Service kung saan pwedeng makisuyo sa iyong rider na magpabili ng iyong pangangailangan gaya ng pagkain, groceries, gamot at kung ano ano pa. Maaari ring magpabili sa dalawa sa pinakamalaking malls sa bansa, ang SM Malls at Robinson’s Malls.
Sa iba pang detalye bisitahin ang kanilang website, www.toktok.ph at mga social media pages.