Nadine Samonte payapa na ang loob; nakalagpas na ang pamilya sa pagsubok


MASAYA at payapa na ang loob ng dating aktres na si Nadine Samonte dahil matagumpay na nilang nalagpasan ang pagsubok na nito lang ay pinangangambahan niya.

Noong Martes, matatandaan na humingi ng dasal si Nadine dahil sasailalim sa eye surgery ng panganay na anak at angiogram naman ang asawa.

Sa Instagram post nga nito, muling nagkuwento ito tungkol sa mga nangyari sa eye surgery ng panganay na si Heather pati na rin ang resulta ng angiogram ng mister na si Richard Chua.

Ayon sa kanya, na-diagnose daw si Heather ng Alternating Exotropia sa parehas na mata kaya kinakailangan ng surgery upang maitama ito habang bata pa para hindi na lumala pa.

Dagdag pa niya, nakakaapekto na rin kasi ang sakit ng anak sa mga activities nito.

“She is so strong and I’m so proud of her. She is still in the stage of recovering right now,” pagbabahagi nito.

Nagpasalamat naman ito sa doktor na nag-alaga sa kanyang anak nang sumailalim ito sa eye surgery.

Kuwento rin niya, matapos ang surgery ni Heather, kinabukasan naman ay check up niya para i-monitor ang kanilang baby.

Nagpapasalamat naman siya dahil okay ang pagbubuntis niya. Kasunod naman ng check up niya ay angiogram ng asawa.

Ayon sa kanya, nangyari na rin ito 6 years ago at nagulat sila nang malaman na marami nang blockages kaya nagkaroon ang mister ng stents at sumailalim na rin sa angioplasty.

“Yung stress level ko was very high kasi I was thinking na baka malagyan ulit sya or my makita na naman na hindi namin magusthn (pero sympre andun pa din ako sa positive side na walay un , hindi kami pababayaan),” paglalahad niya.

Masaya ang dating aktres dahil naging maayos ang angiogram ng asawa. Maayos rin daw ang stents nito.

Ngayon raw ay masasabi niya na nakaalpas na sila sa pagsubok.

Read more...