Marco nagpa-scrub ng katawan, 3 beses naligo para sa tequila body shot scene nila ni Sharon | Bandera

Marco nagpa-scrub ng katawan, 3 beses naligo para sa tequila body shot scene nila ni Sharon

Ervin Santiago |August 05,2021
facebook
share this

Marco nagpa-scrub ng katawan, 3 beses naligo para sa tequila body shot scene nila ni Sharon

Ervin Santiago - August 05, 2021 - 10:09 AM

Marco Gumabao at Sharon Cuneta

MARAMI ang naiskandalo at na-shock nang maglabasan ang litrato nina Megastar Sharon Cuneta at Marco Gumabao na kuha sa ilang eksena nila sa pelikulang “Revirginized.”

Partikular na nga rito ang “tequila body shot” na ginawa ni Mega habang nakahiga sa harap niya si Marco at nakapaligid sa kanila ang mga gumaganap na barkada ng binata sa pelikula.

Ngunit sa ginanap na virtual mediacon ng “Revirginized” kahapon, nakiusap sina Sharon at Marco na huwag munang husgahan ang kanilang movie, sana raw ay panoorin muna nila ang kabuuan nito.

Sey ni Marco, isang bahagi lamang ng pelikula ang body shot scene nila ni Sharon, “Everyone’s entitled to their own opinion so, of course, rerespetuhin namin if ever yun po ang opinyon nila para sa movie namin.

“But for me, before you bash us, or before you say bad stuff about our film, I think it’s best that you watch it first.

“Based on the trailer, parang it’s all partying, it’s all about having fun. But if you really watch the whole film, makikita niyo na may lesson sa dulo, especially yung scene namin ni Miss Sharon.

“I think that was one of the best scenes of the movie kasi yun talaga ang naging turning point for the character of Miss Sharon,” paliwanag ng hunk actor.

Inamin din ni Marco na talagang nag-ready siya para sa body shot scene nila ni Sharon, “Nag-scrub talaga ako ng katawan noon siyempre. Hindi puwedeng hindi. Nakatatlong ligo ako before that scene.”

* * *

Pinainit. Pinakipot. Pinasikip. Nandito na ang Mother of all MILFs! Ang nag-iisang Megastar sa kanyang pinakamainit, pinakamakipot at pinakamasikip na role sa “Revirginized.”

Ang direktor ng trending digital movies na “Paglaki Ko Gusto kong Maging Pornstar”, “Tililing” at “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”, na si Darryl Yap ay may bago na namang comedy film na handog para sa mga titang mashikip pa rin! 

Wasak sa kakatapos lang niyang annulment, tulala si Carmela (Sharon) habang nakatambay sa isang tindahan. ‘Di sinasadyang nagkita si Carmela at ang kanyang inaanak kasama ang mga barkada nito na bumibili ng alak bago pumunta sa isang beach party.

Gustong tumakas sa lahat ng kanyang problema, tinakot ni Carmela ang kanyang inaanak na isusumbong niya ito kung hindi siya isasama sa pupuntahang beach party. 

Doon, sa halo-halong “awkwardness”, trying hard na pakikibata at pagpupumilit maging wild, susubukan ni Carmela pumarty, magwalwal, at pati makipag-one night stand kay Morph (Marco), ang makisig na binata na owner at tattoo artist ng venue kung saan ginanap ang beach party.

Aamin si Morph kay Carmela na gusto niya ito simula pa lang nang makita niya itong umiihi at kinakausap ang mga baby pawikan sa tabing-dagat.

Sa gitna ng ingay at gulo ng beach party, maiintindihan ni Carmela ang kabataan ng henerasyon ngayon, makikita niya ang kanyang self-worth at magsisimula ulit siyang mangarap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito rin ipapanganak ang bagong love team na sasakyan mo, ang #TeamCuBao! Dahil talaga namang ang lakas ng asim at kilig factor ng tambalan ni Sharon Cuneta at Marco Gumabao. Panoorin ang worldwide premiere nito ngayong Aug. 6 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV at sa Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending