Sharon nagpabawas ng boobs sa US; sumailalim din sa breast lift procedure

Sharon Cuneta at Marco Gumabao

NAGPABAWAS ng dibdib ang Megastar na si Sharon Cuneta sa Amerika.

Ito ang isa sa mga ibinalita niya nang muli siyang humarap sa members ng entertainment media kahapon para sa promo ng latest movie niyang “Revirginized” mula sa Viva Films.

Sa isang Instagram post ni Sharon bago siya lumipad patungong Amerika, may paramdam na siya tungkol sa desisyon niyang sumailalim sa breast reduction. 

Ibinahagi ng OPM at movie icon sa publiko ang litrato nila ng leading man niya sa “Revirginized” na si Marco Gumabao na kuha sa kanilang shooting.

Suot ni Mega ang kanyang red bathing suit sa eksena kung saan halos lumuwa na nga ang kanyang dibdib. Aniya sa caption, “Titigan n’yo na pong mabuti. Kasi ba may liliit po sa pics na ‘yan. Hahahaha!”

At sa naganap ngang virtual mediacon ng “Revirginized”, nagkuwento ang misis ni Sen. Kiko Pangilinan tungkol sa breast reduction procedure na isinagawa sa kanya sa US.

Habang ginaganap kasi ang presscon, paulit-ulit na nalalaglag ang strap ng kanyang bra, “Sorry itong strap ng… pwede bang magsabi ng something.

“Nagpunta ako ng Amerika, di ba? Tumaba ako pero konti lang, may lumiit sa akin. I had my chest reduced.

“I gained so much weight and then I breastfed Miel,” sey ni Mega patungkol sa kanyang youngest daughter. “And after gaining and losing, a lot if it was skin and fats.”

“No, I didn’t have implants. It was all natural. But it’s all skin and fats and so I had it reduced,” paliwanag ni Mega kasabay din ng pag-amin tungkol sa pinagdaanang breast lift procedure.

“Sinabi ko na ‘yan sa Instagram. Meron akong ipinost na ‘tingnan niyo nang mabuti itong picture namin ni Pawie. Kami ni Pawie yata ‘yon, yung naka-bathing suit ako sa movie, ‘kasi baka may liliit ho diyan, e,” sey pa ni Shawie. 

Ang tinutukoy niyang “Pawie” ay si Marco. Ito ang naging term of endearment nila habang ginagawa ang “Revirginized.”

Samantala, puring-puri naman ni Sharon si Marco bilang leading man, “Dyusko, anak ko na ‘yan, younger than KC (Concepcion) pa. In the movie, I call him Pawie.

“Usually, when it’s someone his age that I work with, I call him son, anybody, son or anak. With Marco, I tried to keep it really straight. ‘This is Pawie, this is my honey in the movie.’

“So, hanggang promo, pinaninindigan ko ‘yon for the sake of the movie. But he’s a dream to work with because he is professional. He is obviously the heartthrob of Viva now.

“He’s a good boy. We’re both Christians and, you know what, he’s a friend of mine,” aniya pa.
Mapapanood na ang “Revirginized”  sa ktx.ph, iWantTFC at VivaMax streaming site simula sa Aug. 6 sa direksyon ni Darryl Yap. Kasama rin dito sina Rosanna Roces at Kylie Verzosa.

Read more...