Julia hindi pa nagte-taping sa ‘Probinsyano’ pero ‘bugbog na bugbog’ agad kay Coco

Coco Martin at Julia Montes

HINDI pa man nagsisimulang mag-taping si Julia Montes para sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay bugbog na bugbog na siya dahil sa walang patid na training kasama ang direktor at aktor na si Coco Martin kasama si Coach Erwin Tagle at ang Tag Team Stunts.

Base sa mga post na nakita namin mula sa Instagram account ng CocoJuls4ever, MyCocoMartin, at ni Julia Montes, pagkatapos turuan ang huli ng tamang paghawak, pagkalas ng baril at pagputok nito ay isinunod naman ang self-defense at ang pagmo-motor.

Caption ng aktres sa video post niyang nagmo-motor, “RIDE ON! Watch this sneak peek ng motorcycle training ko for Ang Probinsyano! Madami nakakasabik na eksena ang dapat po ninyong abangan kaya sana samahan po ninyo ako. Promise ko po sa inyo is to keep you updated. Wish me luck, guys! This is thrilling!

“Maraming salamat po sa aking mga instructor Sir Carlos and Aries and Manager Jun Lomibao.”

Unang bumati kay Julia ang foster mom niya sa seryeng “Mara Clara” na si Dimples Romana, “Queen! (emoji clapping hands) hi @montesjulia08 DAMN IM SO PROUD OF YOU!!”

Maging si Louise delos Reyes na nakasama ni Julia sa teleseryeng “Asintado” noong 2018 ay nag-cheer sa kanya, “GO BEBE JULS! (heart emojis).” Na sinagot naman ni Julia ng heart at kiss emojis.

Clapping hands emoji naman ang komento ni Sancho Vito na kasama rin sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Puring-puri rin siya ni Agot Isidro na kasama rin sa book 1 ng programa bilang si Verna Syquia-Tuazon na asawa ni Albert Martinez at ina ni Arjo Atayde.

Say ni Agot, “Ang galing! Nag riding school din ako d’yan pero di ako makapasa sa cones. Ha ha hahaha galing, Bebe! Excited to see you again onscreen! Woot woot (emoji clapping hands).”

Sagot naman ni Julia, “@agotisidro (emoji heart) miss you! See you soonest please.”

Marami pang celebrities ang nagpakita ng suporta at paghanga sa aktres na may mahalagang papel sa “FPJ’s Ang Probinsyano.:

Aliw na aliw naman kami sa supporters nina Coco at Julia dahil baka raw masaktan ang dalaga sa mga ipinagagawa sa kanyang stunts.

Sa kasalukuyan ay wala pang sinasabi kung kailan ang paglabas ng aktres sa nasabing programa.

Read more...