Kylie naniniwala pa rin sa forever kahit nakipaghiwalay kay Aljur?

Aljur Abrenica, Kylie Padilla at Andrea Torres

KINONTRA ni Kylie Padilla ang sinabi ng kanyang “leading lady” na si Andrea Torres sa sulat nitong, “Sabi nila wala raw forever?”

Ibinahagi ni Kylie ang mga BTS o behind-the-scenes photo nila ni Andrea na kuha sa taping ng bago nilang proyekto under Rein Entertainment.

Sa isang litrato ay may whiteboard kung saan naka-post ang sweet moments ng dalawang Kapuso actress kabilang na ang kanilang controversial kissing scene.

Bukod dito, may mga nakadikit ding post it notes kung saan nakalagay ang first letter ng mga karakter nila sa bago nilang girl’s love (GL) series bilang sina Beth at Cindy.

“Love mo ko?” ang tanong ni Cindy, ang karakter na ginagampanan ni Andrea. Sagot naman ni Kylie bilang si Beth, “Love na love na love na love na love na love na love na love na love na love na love na love na love!”

Kasunod nga nito ang hugot ni Cindy na nakasulat sa isang post it na, “Sabi nila wala raw forever?”

“I beg to disagree!” sey naman ni Beth.

Pinusuan at ni-like ito ng mga netizens na nagsabing sana raw ay sabihin din ito ni Kylie sa nakahiwalay na asawang si Aljur Abrenica.

Umaasa pa rin daw sila na magkakaayos ang celebrity couple dahil ramdam nila na mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa.

Ang tanong, sa tunay na buhay kaya ay naniniwala rin si Kylie sa forever? Hoping pa rin kaya siya na sila pa rin ni Aljur sa bandang huli? Well, let’s just wait and see kung ano ang naghihintay na ending sa kanilang love story.

Samantala, nauna rito, sinabi ni Kylie na inaatake siya ngayon ng sepanx o separation anxiety sa pagtatapos ng kanilang taping. Napamahal na raw siya sa buong production.

“Met so many good, interesting people on this set and I made friends. I’m not exaggerating when I say I will be so sad to hear the last ‘pack up!’ from direk Shugo Praico today (July 30). I LOVE THIS TEAM, THE MATERIAL AND THE PROCESS OF MAKING THIS SERIES. Thank you for all the memories,” mensahe ni Kylie sa isang post niya sa Instagram.

Read more...