EMOSYONAL ngayon ang dating aktres na si Nadine Samonte dahil sa sitwasyon ng kanyang pamilya.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Nadine ang larawan ng kanyang anak na si Heather. Sa caption nito inilahad ng aktres ang kanyang nararamdaman.
“Im kinda emotional right now. i dont know what to say or do but i know everything will be fine. Kapit lang, prayers lang,” pagsisimula niya.
“‘Trust in the Lord with all your heart and do not lean on your own understanding’, this is what im thinking for the past weeks.
“Yes we are going through a lot, hindi halata noh? Pero ngayon hindi ko mapigilan emotions ko, i need your prayers.”
Mabigat nga ang linggong ito para sa dating aktres dahil ang anak niyang si Heather ay sasailalim sa isang eye surgery.
Dagdag pa nito, pati ang asawa na si Richard Chua ay magkakaroon ng angiogram. Hiling ng dating aktres na sana ay hindi na kailanganin ng stents ng asawa.
Ang stents ay maliliit na mga tubo na inilalagay sa katawan.
“You guys know na im struggling also with my pregnancy but here i am fighting and trying to be strong for them, for all of us,” patuloy nito.
“Crying on my own so they wont see how i really feel. I wanna be strong for them. Its so hard pag family tlga. Im really really emotional right now. I cant stop my tears while typing this. Lord give me all the strength. I know we can do this with you.”
Noong June nga lang ng ibinahagi niyo na ipinagbubuntis niya ang pangatlong anak nila ng asawa at nito nga lang July noong ibahagi ni Nadine na muntik nang mawala ang kanyang dinadala.
Ang pagkakaroon nga ng polycystic ovary syndrome (PCOS) and antiphospholipid antibody syndrome (APAS) ang mga naging dahilan bakit naging maselan ang kanyang pagbubuntis.
Naging matatag naman si Nadine para sa kanyang pangatlong anak ngunit tila hindi pa rin tapos ang hamon sa kanya ng buhay dahil nga sa nangyayari sa anak at asawa.
Marami naman sa mga kaibigan nito sa industriya ang nagsabing ipagdarasal nila ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng kaniyang pamilya.
Ilan na nga sa mga ito ay sina Chynna Ortaleza, Mariel Padilla, at Almira Muhlach.
Mensahe ni Chynna, “I will keep you in all our prayers. The Lord will be continue to be with your family and all of us always. Cry ka lang Nadine! You are strong.. no doubt!”