Maine pangarap ding magkaroon ng sariling farm: Gusto kong magtanim ng kamatis!

Maine Mendoza

PANGARAP pala ni Maine Mendoza na magkaroon ng farm dahil na-enjoy niya ang paggamit ng traktora at pagtatanim base sa naranasan niya sa taping ng bago niyang programang “#MaineGoals” na mapapanood sa bagong BuKo channel ng TV5.

Isa ang programa ng TV host-actress sa ini-launch ng BuKo local channel na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:30 p.m. produced ng APT Entertainment at Cignal TV.

Inamin ni Maine na lahat ng mapapanood sa “#MaineGoals” ay bucket list niya at siya mismo ang nag-suggest sa content ng programa.

Kuwento nga ng CEO at presidente ng APT Entertainment na si Direk Michael Tuviera ay kasama nila si Maine Mendoza sa nagbuo kung anong magandang ilalaman sa show.

“Maraming ideas si Maine, e, very creative. So yun ang gusto naming bigyan ng priority. In terms of sitcom, she has a current sitcom now, so parang hindi naman namin yun ipa-priority kay Maine.

“Marami po kaming naka-line up for Maine at pina-prioritize namin yung mga medyo passion projects niya. Yung medyo gusto niya, pero hindi siya nabigyan ng chance to fulfill.

“But there are so many other concepts, genres na puwede niyang gawin at gusto niyang gawin. At sobra siyang excited,” sabi ni Direk Mike.

Ayon naman kay Maine, “I’m actuallty grateful kasi co-produced ng APT (Entertainment- nagma-manage sa kanya) and siyempre Cignal (TV) na sobrang thankful ako and I’m very much involved since pre pandemic. 

“Kasi matagal na rin itong pinlano po, eh, siguro two years ago ‘yung first meeting namin about this so natutuwa ako kasi I can freely voice out my thoughts about the show and I really feel like they listened what I have to say.

“So, honestly para akong hindi nagwo-work kasi kung ano ‘yung mga gusto kong gawin and kung ano ‘yung mga bagay na super interesting for me ay sinasabi ko sa kanila and talagang and they really make sure na magagawa namin ito sa show,” aniya pa.

Going back sa pangarap na farm ni Maine, “Actually, tinext ko na ‘yung nanay ko, nagpapahanap ako ng lupa sa Bulacan kasi after doing all of these gusto ko ring magkaroon ng farm in the future, di ba?  So, isa rin ‘yun sa mga nilu-look forward ko na when everything is all done.”

At ang una niyang itatanim ay, “Tomatoes, ‘yun talaga agad, tomatoes kasi sobrang na-enjoy ko ‘yung pag-harvest ng tomatoe tapos kino-consume ko agad-agad kaya sana ma-achieve ko ‘yan tomatoe farm.”

Oo nga, farm ang isa ring bagay na negosyo ni Maine dahil mayroon na siyang sariling gasolinahan, fastfood at iba pa na ayaw ipaalam ng dalaga.

Read more...