Julia payag maging bida o kontrabida sa Probinsyano; super proud kay Coco

Coco Martin at Julia Montes

SUPER excited na si Julia Montes sa pagpasok niya bilang bagong leading lady ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

At in fairness, atat na atat na rin ang mga supporters nila ni Coco sa pagbabalik ng kanilang tambalan sa telebisyon na ilang taon din nilang hinintay na mangyari.

“Siguro kung iko-compress ko into words it is more of blessed lang talaga and honored to be part of this big project.

“And ‘yun lahat po kasi ng bumubuo eh. Hindi po siya aabot ng six years kung hindi lahat hindi ibinigay ‘yung puso nila, ‘yung puso niya (Coco) so alam ko ang sarap ng magiging journey at marami rin akong matututunan,” ani Julia sa interview ng ABS-CBN. 

Aminado rin ang Kapamilya actress na magkahalong excitement at nerbiyos ang nararamdaman niya sa muling pagsabak sa aktingan makalipas ang mahigit isang taon.

Lalo pa nga’t makakaeksena niya muli ang kanyang rumored partner at ang Teleserye King na si Coco, “May pressure po siyemepre hindi naman mawawala ‘yun.”

“Siguro ‘yung pressure gusto kong ma-meet ‘yung expectation niya at ng lahat ng team kasi lahat talaga dedicated. 

“And I’m just so proud of him sa lahat ng na-achieve niya ngayon from before then ngayon na lahat na talagang tutok siya. So I’m just happy to be part of that project and creative side of him,” sey pa ni Julia.

Sa tanong kung bida ba o kontrabida ang magiging role niya sa serye, “Actually any po, both okay ako. And ‘yun nga po ‘yung masarap mapasok sa show na ‘to kasi nga ‘yung challenge and ‘yung journey ng character mo hindi basta-basta.

“Hindi siya ‘yung typical teleserye na kapag pumasok ka alam mo na agad. Ito may challenge as an actor. Ano ‘yung pwede mo pang ibigay kung binigyan ka ng scenario. So iyon ‘yung exciting part,” chika pa ni Julia sa nasabing panayam.

Sa isang hiwalay na interview, sinabi ni Coco na hindi siya nakatulog bago ang ginanap na storycon para  sa susunod na season ng “Probinsyano”, “Ako ‘yung kagabi hindi nakatulog, kahapon nagbi-brainstorming kami dito, ako ‘yung tensyonado kasi siyempre parang… kasi makakasama ko siya (Julia), eh.  

“Alam mo ‘yung parang hindi ako puwedeng magkamali this time!  Parang dito pa ba ako sasablay?” anang aktor.

Sey naman ni Julia, “Sa nakita ko rin kay Coco parang dito lumabas ‘yung creative side niya, so, to be part of this big project parang hindi makukumpleto ang isang career mo sa trabaho mo as an actor kapag hindi ka napasok sa Probinsyano.”

“’Yung preparation sa mga baril ganu’n, tapos tinrain ko siya sa baril, sa pagmo-motor tapos sa fight lahat ganu’n.  Kung baga ‘yung suporta ba kailangan ibigay,” dagdag namang sabi ng aktor.

Read more...