KC naghahanap ng apartment sa US, matatagalan pa ang pagbabalik sa Pinas…bakit kaya?

KC Concepcion

MUKHANG matatagalan pa nga bago umuwi ng Pilipinas ang singer-actress at negosyanteng si KC Concepcion.

Mahigit isang buwan na ang dalaga ngayon sa Amerika at balitang doon muna siya mananatili para sa ilang commitments na may kinalaman sa kanyang business at personal na buhay.

Ibinalita kasi ni KC sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na kasalukuyan siyang naghahanap ng apartment sa West Hollywood, California para rentahan.

“Apartment hunting, staying longer,” ang maikling caption ng anak ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang IG photos.

Tanong pa niya sa kanyang mga social medis followers, “Do you have a place I can move to in 5 days time? I mean 3 days, weekend counted. Lol.”

Bago ito, nabanggit din ni KC sa isa niyang post sa Instagram na ang US daw ay, “seems to have ironically emerged as one of the safest places to be (pandemic wise) in these challenging times.

“I have a refreshed admiration for the way this country is able to bounce back from adversity.
“Missing my home, Churro & Chica, fam and friends in the Philippines. But also grateful for whatever I have in front of me here,” aniya pa.

May ibinahagi rin ang dalaga sa madlang pipol tungkol sa pamimili niya roon sa isang grocery store.

“Going to the grocery here in America feels bittersweet because for so long throughout this pandemic, many of us avoided crowded areas, supermarkets, shops. 

“Memories of panic buying keep flashing back!!! Thankful that mundane things can feel leisurely again, rather than a survival activity or life-or-death thing.

“Things are back to ‘normal’ here, with precautions here & there. But being able to move around calmly + freely is something I’ll never ever take for granted,” chika pa ni KC.

Kung matatandaan, lumipad patungong Amerika ang aktres nitong nagdaang June, ang unang foreign trip niya makalipas ang mahigit isang taon.

Read more...