PINGRIS, DEVANCE, NABONG SINUSPINDI | Bandera

PINGRIS, DEVANCE, NABONG SINUSPINDI

Melvin Sarangay - September 07, 2013 - 03:05 AM

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Laro sa Linggo
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Barako Bull vs Global Port
6:30 p.m. San Mig Coffee vs Barangay Ginebra

PINATAWAN ng suspensyon sina Kelly Nabong, Marc Pingris at Joe Devance habang pinagmulta naman si Marvin Hayes bunga ng labu-labong nangyari sa 2013 PBA Governors’ Cup game ng San Mig Coffee Mixers at Global Port Batang Pier noong Miyerkules ng gabi.

Ito ang sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud kahapon ng umaga matapos makausap ang mga nasabing manlalaro noong Huwebes sa kanyang opisina sa Libis, Quezon City.

Sina Nabong at Pingris, na nagsuntukan sa kaagahan ng ikatlong yugto ng 102-88 panalo ng San Mig Coffee kontra Global Port sa Cuneta Astrodome sa Pasay City, ay sinuspindi ng dalawang laro at pinagmulta ng P60,000 bawat isa.

Si Joe Devance, na pinatumba si Hayes sa insidenteng naging dahilan para magkaroon ng labu-labo, ay sinuspindi naman ng isang laro at pinagmulta ng P30,000 dahil sa pagiging promotor ng kaguluhan na nauwi sa suntukan ayon kay Salud.

Sina Devance at Pingris, na parehong mahahalagang manlalaro ng San Mig Coffee, ay hindi makakalaro sa labanan ng Mixers-Barangay Ginebra Gin Kings habang ang rookie center na si Nabong ay hindi makakasama ng Batang Pier sa laro nito kontra Barako Bull Energy Cola bukas.

Si Hayes, na sumabit kay San Mig Coffee import Marcus Blakely sa kainitan ng paglalaro, ay hindi naman sinuspindi sa anumang laro ng Global Port subalit pinagmulta naman siya ng P20,000 dahil sa hindi magandang asal nito sa laro na katumbas umano ng flagrant foul penalty two.

Sinabi pa ni Salud na, “Fighting is not condoned in the PBA. There is absolutely no justification for our players to get involved in fistfights.”

Ang lahat ng mga multa ay mapupunta naman sa PBA Players’ Trust Fund.

Samantala, pinatumba ng Meralco Bolts ang Rain or Shine Elasto Painters, 82-76, sa kanilang PBA game kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si John Wilson, na tinanghal na Best Player of the Game, ay gumawa ng 18 puntos, limang rebounds at tatlong assists para pamunuan ang Bolts na nasolo ang ikalawang puwesto sa 4-2 karta.

Ang Elasto Painters ay nalaglag naman sa 3-3 kartada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending