Myrtle Sarrosa biktima ng manlolokong dyowa: Sobrang sakit pala!

Myrtle Sarrosa

NABIKTIMA na rin ng panloloko ng lalaki ang Kapuso actress at cosplayer na si Myrtle Sarrosa.

Kaya naman relate na relate siya sa kuwento at tema ng bago niyang teleserye sa GMA na “Nagbabagang Luha” na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Claire Castro at Mike Tan.

Sa ginanap na virtual presscon para sa nasabing Kapuso drama series, natanong si Myrtle kung naranasan na ba niya ang magkaroon ng dyowang cheater.

“Ako kasi personally, hindi man inamin sa akin ng loved one ko prior to the past, pero I’ve heard people na parang, I’ve heard it from someone else na sinabi sa akin,” pahayag ni Myrtle.

Aniya, napakasakit daw ng ginawa sa kanya ng manlolokong dyowa dahil talagang minahal at pinagkatiwalaan niya ito.

Aniya, ganu’n lang daw pala kadaling mawala ang trust lalo na sa taong naging espesyal na bahagi ng buhay mo.

“Doon mo mararanasan na when someone cheats on you, sobrang sakit niya. When we got this project, tapos yung character kong si Judy may ganoong experience, dun ko talaga na-realize na, ang hirap-hirap magbigay ng tiwala tapos ang dali lang siyang wasakin minsan,” paliwanag ng dalaga.

Dagdag pa ng Kapuso star, isa ang  cheating sa pinakamatinding dahilan kung bakit maraming nasisirang pagsasama. Sa isang panloloko lang ay maaaring mawasak agad ang ilang taong magsasama ng magkarelasyon.

“Cheating talaga is one of the things that ruins yung buong relationship n’yo. It takes so much time for our relationship to build, not just days, not just months but years.

“Tapos yung trust na pino-form ninyo, and then sa isang pagkakamali lang, you shatter that trust, tapos ang hirap hirap ibalik,” aniya pa.

Samantala, super thankful naman si Myrtle sa GMA dahil napasama siya sa TV adaptation ng hit classic movie ng Regal Films na “Nagbabagang Luha” dahil bukod sa napakaganda ng role niya ay nakatrabaho pa niya ang magagaling na Kapuso stars na sina Glaiza, Rayver, Mike at ang veteran actress-director na si Gina Alajar.

Ka-join din sa serye sina Alan Paule, Archi Adamos, Royce Cabrera, Ralph Noriega, Karenina Haniel, Bryan Benedict at ang Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose in a very special role, directed by Ricky Davao.

Ngayong hapon na magsisimula ang “Nagbabagang Luha” sa GMA Afternoon Prime.

Read more...