John Prats at Coco Martin
IN FAIRNESS, maituturing ding isang superhero dad ang actor-director na si John Prats dahil napagsasabay-sabay niya ang lahat ng kanyang trabaho bilang artist, asawa at tatay.
Kasama pa rin si John sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, siya na rin ang direktor ngayon ng noontime program na “It’s Showtime”, idagdag pa ang iba pa niyang raket sa pagdidirek.
At kahit na sandamakmak ang kanyang trabaho, ginagampanan pa rin niya ng bonggang-bongga ang pagiging mister kay Isabel Oli at bilang tatay sa tatlo nilang anak.
“It’s really hard! I have to balance also not just ‘Probinsyano’ and ‘Showtime,’ but also time for my family. May bunso pa ako na kaka-one year old lang. So hangga’t may time ako, I’m here at home, I spend it with them talaga,” pag-amin ni Pratty sa panayam ng ABS-CBN.
Nagpapasalamat nga raw siya kay Coco dahil kahit may tinatanggap siyang directorial jobs ay hindi pa rin siya tinatanggal sa “Ang Probinsyano” na nasa ikaanim na taon na ngayon.
Natutuwa pa nga raw ito para sa kanya nang ibalita niya ang tungkol sa pagdidirek niya ng “It’s Showtime”, “Sobra niyang suportado ‘yung pagdidirek ko, at nararamdaman ko ‘yun every time nag-uusap kami kung gaano siya ka-proud sa akin, at kung gaano rin ako ka-proud sa kaniya kung ano ang achievements niya.”
Hindi pa rin makapag-full time si John sa “It’s Showtime” dahil nga sa “Probinsyano” na sasabak na uli sa lock-in taping very soon.
“We’ll see kung ano ‘yung magiging decision ng management, kung anuman. Kami naman, kung saan kami ilagay, we will just do our best,” aniya pa.
Natawa naman siya sa tanong kung balak na bang tsugihin ang character niya sa “Ang Probinsyano” bilang si Jerome, “Wala pa namang sinasabing ganoon! Ha-hahaha!”
Mensahe naman ni Pratty para sa lahat ng blessings na natatanggap niya sa kabila ng pandemya, “Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, si Lord God ang nagbigay. Wala akong pinag-aralan sa pagdidirek.
“Hindi ako pumasok sa eskuwelahan, hindi ako kumuha ng kurso ng directing. Feeling ko, it is a gift from Him, kung paano ko nagagawa ang mga nagagawa ko ngayon.
“At feeling ko rin, kadalasan, hindi ako ang nagdidirek, Siya talaga. Iyon ang nararamdaman ko, genuinely. Feeling ko, ginagamit niya ako to inspire a lot of people, and I just want to keep and maintain that core, ‘yung belief na ‘yun. More than a job, it’s a purpose,” lahad ni John Prats.