Kathryn na-diagnose ng Pityriasis Alba; pero tagumpay naman sa ginawang ‘diet plan’

Kathryn Bernardo

MAY skin problem ngayon ang Box-Office Queen at award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

Na-diagnose ang girlfriend ni Daniel Padilla ng common skin condition na tinatawag na Pityriasis matapos magpakonsulta sa isang espesyalista sa balat.

Bumisita si Kathryn kasama ang kaibigang si Sofia Andres sa Aivee clinic kamakailan para ipatingin ang iniindang skin problem sa kanyang likod.

“Alam mo what happened to you? Nagkaroon ka ng Pityriasis Alba,” pahayag ni Aivee Teo sa vlog na pagpunta ni Kath sa kanyang clinic. 

Aniya, ang Pityriasis ay, “common skin condition first characterized by red, scaly patches. These patches then resolve leaving areas of scaling hypo-pigmentation or lighter coloration.”

Ayon naman sa isang health website, “Pityriasis rosea is a rash that usually begins as a large circular or oval spot on your chest, abdomen or back. Called a herald patch, this spot can be up to 4 inches (10 centimeters) across.

“The herald patch is typically followed by smaller spots that sweep out from the middle of your body in a shape that resembles drooping pine-tree branches.”

Dagdag pa ni Dr. Aivee sa problema ni Kath sa balat, “It’s a condition where after you get sunburned, white patches appear.”

Tanong ng Kapamilya actress, mawawala ba ito kung maliligo uli siya sa ilalim ng sikat ng araw o sa pamamagitan ng pagsu-swimming sa beach.

Sagot ng doktor, “Hindi. Lalong magwa-white ‘yung white. Magda-dark ‘yung dark. You know kids when they play sports, they have parang ‘an-an’ sa mukha? So, this is the same.”

Samantala, may good news namang natanggap si Kathryn matapos ang ilang buwang pagda-diet. Nagsimula ang pagsailalim ng dalaga sa isang diet plan noong nagdaang Mayo.

Isa sa naging bahagi ng kanyang weight loss journey ay ang paggabay ng isang nutritionist para ma-monitor kung nasusunod niya nang tama ang kanyang diet plan.

Ang mga kinakain ni Kath ay tinatawag na “individualized meals that are chef-curated and nutritionist-approved.”

Noong May 4, nasa 55.1 kg ang timbang ng dalaga at nitong June nga ay bumaba na ito sa 51.5 kilos.

Read more...