#PushPaMore para sa ipinaglalabang ‘DDR’ ni Lucy Torres

MATINDI na naman ang naging epekto sa madlang pipol ng halos isang linggong walang tigil na pag-ulan na naging sanhi ng mga pagbaha at landslides sa ilang bahagi ng bansa.

At ayon sa PAGASA, kahit walang bagong bagyo ay magpapatuloy pa rin ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit-probinsya dahil sa habagat. 

Ayon pa sa mga naglabasang ulat-panahon nitong weekend, makararanas din ng mild La Niña ang bansa na maaaring magdulot ng mas matinding buhos ng ulan at malalakas na hangin.

Dahil nga rito, muling napag-uusapan ngayon ang pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience sa bansa para mas mapagtibay at mas matutukan ang pangangailangan ng mga Filipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.

In fairness, ang usapin tungkol sa DDR ang isa sa mga isinusulong ngayon ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez dahil naniniwala siya na kailangan mas palawigin pa ang mga nakasaad sa batas pagdating sa disaster response and preparedness.

Sa katunayan, isa si Rep. Lucy sa mga natuwa nang mabanggit ni President Rodrigo Duterte ang pagsusulong sa pagbuo ng DDR sa huli niyang State of the Nation Address.

Marami rin ang nagsasabi na tama lang ang ginagawang pagpu-push ni Cong. Lucy sa DDR dahil kilala naman ang Pilipinas sa pagiging disaster prone country. 

Dapat nga raw ay matagal na itong naipasa at naipatupad ng Kongreso, di sana’y hindi na ganu’n kalawak at katindi ang naging impact ng mga nakaraang kalamidad sa bansa.

“Being the third-most disaster prone country, from the World Risk Index, kailangan natin ang DDR na maging unang prayoridad. 

“Kailangan maging full-fledged ang DDR sa ilalim ng pamumuno ng cabinet member na may sariling budget, clear-cut authority at mandato. 

“And a full-time organization to address disaster prevention, preparation, response, recovery and rehabilitation,” paliwanag ng kongresista na balitang tatakbo na nga sa pagkasenador sa 2022.

Kamakailan, sinabi ni Lucy na open siya sa pagtakbong senador next year pero hindi raw ito talaga bahagi ng isang “grand plan.”

“Nothing of what I have or where I am in terms of my life in public service was ever part of a big plan or a great roadmap. I just move like water.

“Yes, open but it’s not like it’s part of a grand dream or a grand plan. I have been a legislator for 11 years, if I’m given the opportunity, I know I can hit the ground running,” aniya pa sa isang panayam.

Read more...