Gladys nag-iskandalo, kinasuhan ng attempted murder ng ex-dyowa

Gladys Guevarra

Gladys Guevarra

NA-SHOCK si Gladys Guevara nang makarating sa kanya ang balitang sinampahan siya ng kaliwa’t kanang kaso ng dati niyang boyfriend na si Jojo Diamse.

Mga kasong Attempted Murder, Grave Oral Defamation, Grave Coercion, at Violation of R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ang haharapin ni Gladys. Noong Sept. 5 isinumite ni Jojo ang kanyang demanda kay Assistant City Prosecutor Edilu Hayag ng Quezon City Regional Trial Court kasama ang aboadong si Atty. Jocelyn Gerial Gabriel.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Mr. Diamse, tinangka siyang sagasaan ni Gladys nu’ng sumugod ito sa bahay nila noong Aug. 23 ng madaling araw. Sinipa, sinuntok at pinagmumura raw siya ng komedyana.

Nag-iskandalo raw doon ang singer-comedienne at binangga pa ang gate nila. Nakikiusap raw kasi si Gladys na makipagbalikan sa kanya.

Ayon pa kay Jojo na nagtatrabaho bilang musical director sa ilang programa sa GMA 7, na-trauma rin daw ang anak niya dahil nakita nito ang mga pangyayari. Lasing din daw si Gladys nang maganap ang insidente.
Itinanggi ni Gladys ang mga akusasyon, nalaman lang daw niya na idinemanda siya ng dating karelasyon sa Instagram at talagang na-surprise siya sa ginawa ni Jojo. Aniya, siya pa raw ba ang may lakas ng loob na sampahan siya ng kaso, samantalang siya pa nga raw ang biktima rito.

Sey ni Gladys, kung gusto raw niya ng iskandalo, dapat daw ay nagpa-interview na siya agad sa media at ibinandera ang ginawang pananakit sa kanya diumano ng ex-boyfriend. Pero nanahimik na lang daw siya dahil ayaw niya ng gulo.

Sa katunayan, sa Camp Karingal daw siya dumiretso matapos ang paghaharap nila ni Jojo para ireklamo ang lalaki ng violation sa Anti-Violence Against Women and their Children. Ayaw nang magdetalye pa ni Gladys tungkol dito at haharapin na lang daw niya ang ex-boyfriend as korte.

READ NEXT
HOROSCOPE September 07, 2013
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...