MALAKI ang tiwala ng veteran actor na si Gabby Concepcion na mabibigyan ng hustisya ni Kapuso heartthrob Rayver Cruz ang kanyang role sa upcoming GMA adaptation ng ‘80s blockbuster movie na “Nagbabagang Luha.”
Sa naturang TV adaptation na mapapanood na simula Aug. 2 sa GMA Afternoon Prime ay bibigyang-buhay ni Rayver ang karakter na naunang gampanan ni Gabby sa pelikula bilang si Alex, ang lalaking magpapa-ibig sa magkapatid na sina Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).
Sa naganap na “Pinoy Abroad Fun Connect” ng GMA Pinoy TV ay nakatanggap ng good luck message si Rayver mula kay Gabby, “Do your own version. I know you’re gonna do good, Rayver and everybody else.”
Dagdag pa ng aktor, “Sa cast ng Nagbabagang Luha, be a version of yourself to be that role.
“Get out of your comfort zone and love and embrace that role. And I’m sure you’ll have a great time doing this teleserye, it’s a remake,” aniya pa.
Abangan ang world premiere ng “Nagbabagang Luha” simula Aug. 2, 2:30 p.m., pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA.
* * *
Ang tambalang nagpakilig at nagpainit noon sa mga Pinoy viewers, nagbabalik-telebisyon na ngayon!
Kasama sa cast ng upcoming primetime series ng GMA na “Lolong” ang mga dating sexy stars na sina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor.
Sa location ng kanilang lock-in taping, makikita ang dalawa na magkasama. Ano kaya ang papel nila sa kuwento ni Lolong?
Kaabang-abang talaga ang mga artistang bumubuo sa Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Makakasama niya rin sa GMA Public Affairs series sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, at Jean Garcia.
Join din sa cast sina Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Ian de Leon.
Looking forward din ang marami sa mga role na gagampanan sa serye nina Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz at Maui Taylor.
Abangan sila sa dambuhalang action-adventure series ng taon, ang Lolong. Soon on GMA!