PUMANAW na si Arlene de Castro, asawa ng dating bise presidente at journalist na si Noli de Castro nitong Sabado ng umaga, July 31.
Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Katherine de Castro sa kanyang Facebook post.
“I love you Mommy very much. Rest now Mommy,” caption ni Kat sa kanyang post na larawan nilang magkakapatid kasama ang ina.
Sa ngayon, wala pang mga detalye na inilalabas ang pamilya pero inaayos na raw ni Kat ang burial plans para sa ina.
Nagsimula ang media career nito sa MBS-4 (Maharlika Broadcasting System) noong 1981. Siya ay naging Production Coordinator for Special Events, Current Affairs and Sports. Nagtrabaho rin ito sa Good Morning Manila at Business Talks.
Matapos ang EDSA Revolution noong 1986, nagtrabaho ito sa ABS-CBN Corp. bilang executive producer.
Na-promote naman ito bilang Vice President of the Current Affairs Department ng ABS-CBN, at isa sa mga nasa likod ng mga top-rating programs tulad ng “Magandang Gabi Bayan” (MGB) kung saan host ang kanyang asawang si Noli de Castro, “Assignment” ni Teddy Locsin Jr., “Pipol” ni Ces Drilon, at “Dong Puno Live”.