Bangs Garcia nagpakita ng ‘hiyas’ sa bagong indie movie, wala nang hiya | Bandera

Bangs Garcia nagpakita ng ‘hiyas’ sa bagong indie movie, wala nang hiya

Julie Bonifacio - September 07, 2013 - 03:00 AM

Bangs Garcia

TIKOM ang bibig ng sexy actress na si Bangs Garcia kung hanggang saan ang ginawa niyang pagpapaseksi sa latest indie film niya na “Laurianna.” Bagkus ay nagpapasalamat siya sa papuring ibinigay sa kanya ng direktor niya sa pelikula na si Mel Chionglo.

“Hindi ko pwedeng sabihin. I will leave that as a surprise. Basta ang masasabi ko lang ginawa ko ang lahat ng hinihingi sa akin ng aking direktor and I went as far as I can. So bahala na kayong mag-judge when you see the film at sana magustuhan ninyo,” paglalahad ni Bangs.

With that kind of statement, may mga pinakita si Bangs sa ilang private parts niya sa “Laurianna.” Usually ‘pag ganyan, nilalagyan ng plaster ng ilang sexy star ang makikitang private part. Nag-plaster din kaya si Bangs?

“Ay, secret! Ha-hahaha! Sagutin ko ‘yan after the film na lang. Basta I went as far as I can,” ngiti ni Bangs.

Ang “Laurianna” raw ang most daring film and it might be her first and last sabi ni Bangs at mapapanood sa Sept. 11 to 17 exclusively sa lahat ng SM Cinemas.

“Kasi, ‘yung mom ko conservative. Actually, not just my mom but my whole family is conservative. E, nu’ng binasa pa lang nga niya ’yung script medyo ayaw na niya, e. Pero sabi ko naman sa Mom ko, hindi naman totally kung ano ‘yung nasa script ‘yun ang gagawin talaga. Uh, pwede namang i-improvise, e. Tsaka ano, I felt so at home with the whole team, I don’t feel that I was taken advantage of. Sobrang inalagaan ako ng direktor, ng lahat, especially Allen Dizon as my leadng man.

“So, sabi ko sa kanya, since first time ko ‘to, ikaw na ang bahala, ha. Basta I trust you. Nakakaloka lang kasi ‘yung love scene namin 15 minutes pero one take lang, hindi paulit-ulit. At mas naging makatotohanan kasi hindi ‘yung tipong, hindi kami masyadong dinirek ni direk Mel. Parang bago mag-take sinabihan lang niya kami na eto ang gusto kong mangyari.

“Bahala na kayong mag-execute. Buti na lang maswerte ako kay Allen dahil magaling talaga siya. Tsinek ko agad siyempre pagkatapos ng take. Tsinek ko agad sa monitor. I was really shocked. I was really surprised na very artistically done. Hindi siya bastusin.

“Ang sarap sa pakiramdam. Sabi ko, ‘Wow, nagawa ko!’ Nagawa ko rin siya finally. Kasi di ba parang hindi naman binebenta ‘yung hubaran sa film but the story itself, maganda siya. Plus points na ang siguro sa mga kalalakihan na may daring scenes ako. Pero hindi ‘yun ang focus namin.

“It’s not just about sex and you know, it’s about the whole film. It’s also an advocacy for women’s rights. Another important point is parang guide rin ito sa mga magulang to watch out sa children nila kasi dito sa film naming ‘yung bata exposed siya sa mga bagay na hindi kanais-nais. Maraming aral ang mapupulot sa movie na ‘to,” kuwento ni Bangs.

Hindi naman ipokrita si Bangs sa pagsabi na hinahangad din niya na magkaroon ng lead role sa movie ng Star Cinema. And if ever, si Piolo Pascual daw ang gusto niyang maging leading man sa movie.

“Si Piolo kasi napaka-gwapo niya at magaling umarte,” ngiti niya.

Walang boyfriend si Bangs ngayon. Early this year ay nag-break sila ng second boyfriend niya. Tapos may dinate siya pero tinigil din niya. Pawang non-showbiz guys ang naging BF ni Bangs.

“Ah, hindi ko masasabing gusto ko magka-boyfriend at hindi ko hinahanap. Kapag may dumating I will entertain it. Pero ngayon sobrang focus ako sa career ko. Hindi kasi akala ko potential boyfriend ‘yung huli. Pero hindi, e. I found out something pero hindi naman dahil bakla siya. Wala akong naging boyfriend na ganoon. Baka nga masyadong mataas ang standards ko. Mapili ako, e. Very important sa akin na matalino ang guy. And as much as possible intact ang family. Ayoko ng hiwa-hiwalay ang parents and God-fearing,” paglalarawan ni Bangs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending