Cassy Legaspi ideal guy si Darren Espanto | Bandera

Cassy Legaspi ideal guy si Darren Espanto

Therese Arceo |July 29,2021
facebook
share this

Cassy Legaspi ideal guy si Darren Espanto

Therese Arceo - July 29, 2021 - 06:38 PM


PILIT ngang ibinubuko kung ano ang tunay na relasyon nina Cassy Legaspi at Darren Espanto nang sila ay mag-guest sa Kumu live ng batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Mas tumindi pa nga ang asaran ng usisain ni Direk Cathy ang mga tipo ni Cassy sa isang lalaki.

Ang mga type raw kasi ni Cassy ay “tisoy, singer-dancer, singkit, matangkad, seryoso, at palabiro.”

Tila kinilig naman ang Kapamilya singer nang sabihin ni Cassy na gusto niya ng “singer-dancer.”

Matatandaan na hindi lang sa kantahan magaling si Darren dahil sumasayaw rin ito.

Kasama rin sa mga guests ay ang bestfriend ni Darren na si Kyle Echarri, na isa rin sa pilit nambubuking kina Darren at Cassy.

Bigla namang nawala si Darren dahil sa nagla-lag na internet connection.

“Masyado siyang kinilig! Na-realize niya lahat ng sagot ni Cassy papunta sa kanya. Matangkad, singer, dancer, palabiro, tsaka seryoso,” tukso naman ni Kyle sa nawalang bestfriend.

“Wooow… Di kasi ‘yan yung ideal,” depensa naman ni Cassy.

Hindi pa nga rin tapos sa pang-aasar si Kyle dahil ginaya pa niya kung paano sinagot ni Cassy ang tanong ni Direk Cathy.

Tawa naman nang tawa ang box-office director sa pang-aasar ni Kyle kina Cassy at Darren.

Nang nakabalik na si Darren ay bigla namang sumulpot sa video call ang ina ni Cassy na si Carmina Villaroel.

“Oh my god, nandito si Mama! Nandito si Mama,” tumitiling sabi ni Cassy.

Narinig pala ni Carmina ang paglalarawan niya sa kanyang ideal guy kaya ito napalapit sa dalaga.

“Hi, Direk Cathy! Hi, Kyle! Hi, D!” bati ni Carmina sa mga nasa video call.

Tila hindi naman nahihiya at kumportable si Carmina sa pakikipag-usap kasama sila Kyle at Darren dahil na rin siguro matagal na silang kaibigan nila Cassy at Mavy.

Sa kasagsagan ng video call, muli na naman nawala si Darren.

“Ay, nawala siya. Binagsakan niya ako, Direk,” biro ni Carmina.

Hirit nama ni Kyle, “Ayun, guys, sabi ko nga natakot si Darren. Kinilig masyado!”

Natatawa lang si Cassy at napapasabi ng wow sa mga panunukso sa kanila.

Nang makabalik si Darren, tila pabirong kinumpronta ni Carmina ang anak tungkol sa ideal guy nito.

“So, gusto mo ng singer-dancer? Gusto mo ng matangkad?” tanong nito

“Yeah. Syempre.” sagot naman ni Cassy.

“Siyempre kailangan matangkad kasi matangkad si Cassy.

“Ang tatay mo matangkad din. Si Zoren, dancer-singer, para sa akin ha.

“Seryoso-palabiro? Pareho din, ganun din si Zoren. Anak nga kita!” sabay yakap ni Carmina sa anak.

Nang tanungin naman si Cassy kung ano alin sa church o garden wedding ang gusto niya, sinabi ng dalaga na nais nito ng garden wedding.

Tila nagreact si Carmina dahil natatawang ibinahagi ng dalaga na tinanong siya ng ina kung bakit may wedding.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Matagal pa ‘yung wedding, Ma!” sagot naman nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending