NAKABALIK na ng Pilipinas si Hidilyn Diaz, ang unang atletang Pinoy na nagbigay ng gintong medalya sa bansa para sa nilahukan niyang 55kg weightlifting competition (women’s division) sa 2020 Tokyo Olympics.
Kagabi dumating si Hidilyn sa Manila at kaagad na nag-courtesy call kay Presidente Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng zoom.
Nagpalit ng uniporme si Hidilyn bilang miyembro ng Philippine Air Force pagharap kay Presidente Duterte na binati siya at pinasalamatan dahil sa karangalang ibinigay niya sa Pilipinas.
Ayon kay PRRD, “The nation is ecstatic about your achievement. Your achievement is the achievement of the Philippine nation. We are extremely proud.
“Salamat naman sa pagtiis mo. I hope that the years of toil, the years of disappointments, and the years na hindi maganda ang nangyari in the past, just forget them.
“You already have the gold. Gold is gold. It can be good for you to just let bygones be bygones and dwell solely on your victory together with your family and, of course, with the nation,” mensahe pa ng Pangulo.
Itinaas din ng PAF ang ranggo ni Hidilyn bilang staff sergeant mula sa pagiging sarhento.
Binanggit din ni PRRD kung anu-ano ang mga premyong matatanggap nito mula sa pamahalaan.
“Because you are a member of the Armed Forces at alam mo namang may housing projects ako for soldiers. Diyan sa Zamboanga (pinagmulan). I will give you house and lot and fully furnished na it’s in Zamboanga City.
“Then, you will be one of the highest Presidential medal, Presidential Medal of Merit. And in addition what the law gives to you P10 million at P3 million galing sa akin.
“So, ayusin mo mabuti buhay mo, you’ve been blessed by God. Hindi naman malaki, hindi rin maliit this will (be) a long way to help your family.
“You are already a celebrity. It’s a political stock. Take note of that. One day you’ll want also to baka makatulong ka sa country in some other way, other than being a soldier.
“Mabuhay ka, ako naman ang magsaludo sa iyo (sabay tayo ni Presidente Duterte), yes ma’am!” pahayag pa ng Pangulo.
Ipinaalala rin ni PRRD na kung may oras si Hidilyn ay maaari siyang dumaan para personal nitong matanggap ang dagdag regalong P3 million at ang P10 million naman mula sa gobyerno ay sa Bureau of Treasury daw makukuha ng dalaga.
Samantala, pitong araw naka-quarantine si Hidilyn sa isang kilalang hotel sa Pasay City bilang bahagi ng ipinatutupad na health protocol sa bansa.
Anyway, ni-repost naman ng kapatid ni Angel Locsin na si Angela “Ela” Colmenares ang dating panayam ni Hidilyn kay Boy Abunda sa programa nitong “Tonight with Boy Abunda” sa ABS-CBN noong 2016.
Natanong kasi ni Boy kung sakaling gagawing pelikula ang buhay niya ay sino ang gusto niyang gumanap at sinagot nito si Angel Locsin at ang titulo ay “Ginto.”
Ang caption ng kapatid ng aktres na si Ela, “Yari ang back injury ni Angel nito pag s’ya ang gumanap (emoji smiley). Nakakaproud, though! Congrats, Hidilyn Diaz! Namumukod-tanging ginto ka ng ating bansa!”
Oo nga, bagay kay Angel, ‘yun nga lang baka hindi nito kakayaning magbuhat ng barbell dahil nga sa kanyang injury sa likod.