JK nangampanya para kay Maureen sa Miss Universe PH 2021: Panget po yung mga hindi susuporta sa kanya

ANG bongga naman pala talagang  boyfriend ng singer-actor na si JK Labajo! 

Imagine, personal pa niyang ikinampanya ang dyowang si Maureen Wroblewitz para makapasok ito bilang official candidate sa Miss Universe Philippines 2021.

Nauna nang napili si Maureen sa Top 100 candidates ng national pageant ngunit 75 lang ang mapalad na makakapasok sa Top 75 ng nasabing beauty contest.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Asia’s Next Top Model Cycle 5 grand winner ng mensahe kung saan nakiusap siya sa madlang pipol na iboto siya para makasama sa Top 75.

Kalakip ng kanyang litrato ang caption na, “Our headshots have been uploaded and the voting has begun.

“I’m kindly asking you to vote for me through the MUPH app (No. 20) this is our first @themissuniverseph challenge and I’m so excited!!!” sey pa ng dalaga kasunod ang mechanics kung paano boboto.

Samantala, nag-post din sa Instagram ang boyfriend ni Maureen na si JK ng panawagan sa kanyang mga followers na iboto sa mismong Miss Universe app ng pageant ang dalaga.

Sa pagkakaalam namin, hindi mapapasam sa bilang ang reactions or likes sa social media accounts ng Miss Universe Philippines kung hindi sa mismong app ng pageant boboto.

Sey ni JK, “Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko na si Maureen Christa Wroblewitz para po pansinin niya na po ako.

“Panget po yung mga hindi po susuporta sa kanya. Salamat po,” biro pa niyang mensahe. 

Sumagot naman si Maureen sa IG post ng boyfriend, “Hi crush (heart emoji).” Na sinagot ni JK ng, “@mauwrob Sorry im taken.”

Bukod kay Maureen, nakasama rin sa listahan ng Top 100 Miss Universe Philippines 2021 candidates ang young actress at former “Pinoy Big Brother: Lucky 7” housemate na si Kisses Delavin na nauna nang nanghingi ng suporta sa publiko sa pagsali niya sa nasabing pageant.

Read more...