PINATUNAYAN ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo na hindi lang siya magaling na aktor kundi the best din siya sa pagme-memorize at pagsasalita ng Mranaw at Arabic.
Kumbaga sa estudyante, first honor ang award-winning actor sa klase dahil napakabilis niyang matuto ng mga lengguwahe para sa kanyang karakter bilang isang Muslim na may tatlong asawa sa bagong serye ng GMA, ang “Legal Wives.”
Sa panayam ng GMA sa language coach na si Egypa Balindong, pinangalanan niya si Dennis bilang pinakamagaling magsalita ng Mranaw sa buong cast ng nasabing serye.
“Ang pinaka magaling, si kuya Dennis. Sobrang na-amaze ako sa kanya kung gaano kabilis niya mag-catch up. He’s both learning the Mranaw and the Arabic language.
“Kapag nagsasalita siya, he’s very natural with it. Parang, ‘Uy, Mranaw ka pala!’ Ang galing kasi niya magsalita,” papuri ni Egypa sa aktor.
Aniya pa, “I don’t even have to have sessions with him or teach him for a long time. Babasahin ko lang ‘yung line tapos uulitin lang niya and he got it. Ang bilis niya. Ang bilis niya maka-catch up so hindi ako nahirapan sa kanya.”
Second honor naman daw sa pagsasalita ng Mranaw at Arabic language si Bianca Umali na isa sa mga gumaganap na asawa ni Dennis sa “Legal Wives.”
“Second one is Bianca. Si Bianca, ganoon din, mabilis din siya mag-catch up. Ang galing niyang mag-memorize ng lines. Ang galing din niya sa accent. Kaya niyang magkaroon ng Arab accent and Mranaw accent. Magaling siya,” sabi ni Egypa.
Ikatlo niyang binanggit ang veteran actress na si Irma Adlawan, na hindi lang daw magaling sa pagsasalita kundi sa pagbibigay-buhay sa isang babaeng Mranaw.
“Si Ms. Irma, magaling din. I think one of the characters na almost legit ang portrayal of the Mranaws is Ms. Irma. Siya ‘yung pinaka inaabangan kong character.
“Napakagaling niyang mag-portray ng isang Muslim woman. The fire in her heart, ‘yung determination, ‘yung galit niya, ‘yung maratabat niya, it’s all there. I love her character so much,” sabi pa ng language coach.
Samantala, pinusuan at umani ng papuri mula sa viewers at netizens ang unang episode ng “Legal Wives” last Monday.
Sa pilot episode ay nasaksihan ang unang pagkikita nina Ismael (Dennis) at Diane (Andrea) pati na rin ang kabataan ni Ismael na balot ng tradisyon at pananampalataya.
Maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa naiibang kuwento ng serye na nagpapakita ng mayamang kultura ng mga Mranaw.
Sabi nga ng isang nagkomento, “Kudos GMA sa isang dekalidad na istorya na magmumulat sa bawat isa tungkol sa ating mga kapatid na Muslim.”
Sabi naman ngbisang netizen, “A new gem in primetime television. Another not-to-missed Teleserye experience from GMA. Kudos to the whole team. #LegalWivesWorldPremiere.”
Napapanood ang “Legal Wives” pagkatapos ng “The World Between Us” sa GMA Telebabad.