Mag-asawang Rica Peralejo at Joe Bonifacio may 6 tips para sa mga single

IBINAHAGI ng dating aktres na si Rica Peralejo kasama ang asawang si Joseph Bonifacio ang ilan sa mga dapat na maging mindset bago pumasok sa pagpapakasal.

Para sa mag-asawa, may anim na mindset ang dapat isabuhay ng mga tao bago ito pumasok sa isang long-time commitment.

Ito ay ang “It’s not up to us”, “Can’t get this wrong”, “He/She should not complete me”, “Don’t fixate”, “Be honest with yourself”, at “Know the game”.

Pagpapaliwanang ng mag-asawa, ang pagpili ng makakapareha ay hindi base sa atin kung hindi base sa plano ng Panginoon.

“We should always have at the back of our heads that it is not completely up to us(the one who is destined for us). Some of us, whatever is on our list, we meet that exactly. Some of us, whatever is on our list, completely the opposite,” pagbabahagi ni Rica.

“There are things we must do, we can do, but that’s not the only factor,” dagdag naman ni Joseph.

Ayon pa sa kanya, kung hindi will ni Lord na makatuluyan mo ang taong gusto mo kahit na akala mo para ito sa’yo, hindi ito mangyayari dahil it’s really up to God daw talaga kung sino ang iyong ‘the one’.

Para sa dating aktres, pwede kang magkamali sa ibang aspeto ng buhay ngunit hindi ka pupuwedeng magkamali sa pagpili ng taong makakasama mo habangbuhay.

“Kapag napakasalan ko na ‘to, hindi ko na ‘to pwedeng ibalik sa department store,” natatawang pagbabahagi ni Rica.

Giit pa ng asawa nito, lahat ng aspeto ng buhay ay apektado kaya dapat ay tama at naayon sa kagustuhan ng Panginoon ang mapili mo.

Nang talakayin naman ang pangatlong mindset na “He/She should not complete me”, ibinahagi ng dating aktres na mali ang dumipende sa isang tao para sa masabing buo ka.

“We are broken people. And so, we can’t be expected to deliver exactly what the other people wants all the time. And so, you are bound to be disappointed kung iniisip mo na makukuha niya lahat ng kailangan mo sa buhay,” pagpapatuloy nito.

Para rin sa mag-asawa, dapat ay handa ka bago mo pasukin ang pagpapakasal.

Maraming netizens naman ang tila naka-relate sa topic ng dalawa.

May ilan ring nagbahagi ng kanilang kwento kung saan iniwan sila ng mga taong minahal nila matapos nilang idepende ang buhay sa mga naging karelasyon.

May ilan rin ang nagpasalamat dahil tila naging sagot raw ang vlog ng mag-asawa sa matagal na nilang tanong kung bakit single pa rin sila hanggang ngayon.

At dahil nga sa vlog na ito, may mga netizens rin na pipiliting mapabuti ang mga sarili nila habang inaantay ang itinadhana para sa kanila.

Dagdag rin ni Rica, iwasan raw ang maging dictionary. Iwasan raw ang pagbibigay ng meaning sa mga ipinapakita ng taong gusto para kung sakaling mali ang interpretasyon ay hindi masyadong masaktan.

Read more...