Chito, Neri binulabog ang socmed dahil sa hugot post na ‘May bahong patuloy na sumisira sa pagsasama…’

KANYA-KANYANG hula ang mga netizens kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng celebrity couple na sina Chito Miranda at Neri Naig.

Nag-post kasi ang mag-asawa sa kani-kanilang Instagram account ng mga hugot lines tungkol sa pakikipagrelasyon at sa “bahong” sumisira sa pagmamahalan at pagsasama ng dalawang tao.

Sa IG page ni Neri, ibinahagi niya ang litrato ng isang bintana na binasa ng ulan at may kalakip na mensahe hinggil sa pagiging sapat at kulang.

“Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon. 

“Minsan napapaisip ka kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba?” ang inilagay na caption ng aktres at negosyante sa kanyang post.

Halos ganito rin ang mensahe ng bokalista ng Parokya ni Edgar sa kanyang Twitter post kung saan nagtanong pa siya na tila may sumisira sa relasyon nila ni Neri.

“Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat…pero bakit parang hindi na tulad ng dati? Bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin,” pahayag ng OPM icon.

Dahil sa mga post na ito, nawindang ang ilan sa kanilang mga supporters at nagtanong kung may problema nga ba ang mag-asawa. Kasunod nito, naging trending topic din sa Twitter ang hashtag #ChitoNeriForever. 

Iba’t iba ang nabasa naming reaksyon ng mga netizens tungkol sa cryptic post ng celebrity couple pero mas marami ang hindi naniniwala na may problema ang mga ito sa kanilang married life.

“Naku Mamsh di niyo kami ma t-trick. Haha [advertisement] ito or lyrics or product. Walang maniniwala na about your relationship ito. Hahaha so spill it!” ang komento ng IG follower ni Neri.

“Mabahong chismis lang ‘yan. Walang makakasira kapag may tiwala at pagmamahal sa isa’t isa,” ang sey naman ng isang Twitter user sa hugot ni Chito.

“May bagong song? Wala akong iniisip na negatibo. Baka siguro pag inlab ka at masaya ka sa buhay wala kang iisipin kundi maganda. @chitomirandajr tama ba?!” chika naman ng isang fan ni Chito.

“Let God. He knows when the perfect time is. Talagang di natin kaya kung hindi siya kasama. Minsan nasa ganyang stage din ako but I still trust His process and appreciate every single thing,” ang seryosong mensahe naman ng isang netizen para sa mag-asawa.

Hirit pa ng isa, “I doubt na matitibag ang #ChitoNeri, “I’ve been following them for the longest time and alam kong parehong faithful and loyal ang couple na to sa isa’t isa needless to say they respect and love each other and miggy so much kaya kalma lang guys!”

Hindi rin kapani-paniwala na on the rocks nga ang relasyon nina Chito at Neri base sa kanilang mga hugot sa socmed dahil ilang oras lang bago nila ipinost ang mga ito ay may IG photo pa sila habang pumipirma ng kontrata para sa bago nilang business.

Read more...