Lahing oldmaid (2)

Sulat mula Levin ng Barangay Baras, Tacurong City
Problema:
1.      Nakapagtapos din naman ako ng kurso sa kolehiyo, kahit hindi naman ito kataasan.  Nag-resign ako sa call center kasi hindi ko kaya ang pagpupuyat. Nag-apply ako sa isang private company sa Davao City.
Matatanggap kaya ako? Bukod doon, nag-apply din ako sa iba pang kompanya.  Saan kaya ako matatangap at kailan? Itatanong ko rin kung makapaga-abroad ako?
2. Malapit na akong maging 25-anyos at ayaw ko pang mag-boyfriend. Ang sabi ng nanay ko, nag-aalala siya baka raw ako tumandang dalaga, kasi may lahi kaming tumatanda ng solo sa buhay.  Itatanong ko na rin po kung magkaka-boyfriend ako at makapag-aasawa at kung kailan?
Umaasa,
Levin ng Barangay Baras, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing matutulungan ka ng mga taong isinilang sa zodiac sign na Capricorn, Taurus, Libra at kapwa mo Virgo, upang lalo pang gumanda ang iyong career. Ang nasabi ding mga zodiac sign ang maaari mong maging boyfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Numerology:
Ang ibig sabihin ng biryhday mo ay yayaman ka, sa tatlong bagay na posibleng mangyari sa iyong kapalaran: Una, yayaman ka sa walang tigil na paga-abroad. Pangalawa, yayaman ka sa walang humpay na negosyo. At pangatlo, makapag-aasawa ka ng mayaman at magiging mayaman ka na rin balang araw.
Luscher Color Test:
Mapalad ka naman sa kulay apple green, gray, blue at silver. Habang magsisilbing lucky charm mo ang batong sapphire na ipapalamuti sa silver na singsing.
Huling payo at paalala
Levin ayon sa iyong kapalaran tiyak ang magaganap sa taon ding ito, isa-isa ng darating sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Magkakaroon ka ng stable job o magandang trabaho na related sa course mo at higit sa lahat sa taon ding ito, magkaka-boyfriend ka na at habambuhay na liligaya hatid ng lalaking mayaman na nagtataglay ng zodiac sign na Libra.

Read more...