Rabiya Mateo ayaw na ayaw ng dinuguan; muntik maputol ang dila dahil sa…

NAGLABAS si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng 24 facts tungkol sa sarili sa pamamagitan ng bago niyang vlog.

Ipinost niya ito sa kanyang YouTube channel nitong Linggo ng gabi at paliwanag niya, kaya raw 24 ay dahil isinunod niya ito sa edad niya.

“Alam n’yo ba na hindi dapat Rabiya ang name ko? I was about to be named Jasmine. Kasi ‘yung mom ko, she’s a fan of Alladin (Disney movie). Pero sabi ng daddy ko, ‘we should name her Rabiya’, which means queen or princess in their language.”

Bago kinoronahang Miss Universe Philippines, itinanghal muna siyang Miss Physical Therapy noong 2013 at 2017.

Hindi rin siya kumakain ng maiitim ng pagkain, “Hindi ako kumakain ng maiitim na food kasi na-try ko rati ‘yung dinuguan at nalansahan ako kaya never na ako sumubok.  Everytime na nakikita ko nalalansahan talaga ako. Same goes with adobong pusit saka ‘yung paella negra.”

Tungkol naman sa una niyang trabaho bilang tagabigay ng flyers, “First suweldo no’n for eight hours was P1,500. Kasi talagang naghahanap ako para hindi na ako humingi ng pambaon kay mama.

“Kaya everytime na nasa mall ako ay may namimigay ng flyers, talagang kinukuha ko kasi I know how it feels to be in that position.”

Nabanggit din ni Rabiya na wala siyang alam sa pagsasayaw at hirap siyang i-coordinate ang sarili niya kaya nag-enroll siya sa Tahitian dance at doon siya natuto hanggang nakuha niya ang award na Miss Talent nang sumali siya sa Miss Iloilo.

Mahilig din siya sa spicy food, “Because it’s the Indian in me. Fan din ako ng extreme rides, gusto ko ‘yung feeling na nawawala ang espiritu mo sa katawan mo o ‘yung bituka mo naghahalo-halo na roon sa loob kasi if makes you feel alive.”

At dahil sa hilig niya sa extreme rides ay nagkaroon siya ng injury kaya siya nagkapeklat sa ilalim ng baba.

“Ang malala ay muntik ko nang maputol ang dila ko because of that incident. Nag-heal na pero (sabay pakita ng dila na may peklat). Dati para siyang may cut talaga. At tinutukso ako ng mga kaklase ko kasi hindi ko ma-pronounce ‘yung six, dati sabi ko shix,” kuwento pa ng dalaga.

Wala rin silang permanent address noon kaya apat na beses siyang nagpalipat-lipat ng eskuwelahan noong nasa elementarya siya, “Wala kasi kaming money na pambayad ng rent, so NPA kami, no permanent address at ‘yung last na nga sa Iloilo.”

Sa edad na 18 natikman niya ang kanyang unang halik, “Pero nauna ‘yung first kiss kaysa sa first boyfriend kasi medyo maharot din ako that time at madilim na no’n kaya we had our first kiss sa labas ng door (sabay ngiwi).”

Pagdating naman sa pelikula ay type ni Rabiya ang, “The Green Mile ni Tom Hanks kasi hindi perfect ‘yung justice system ng bawa’t bansa dito sa mundo and dati nu’ng may death penalty pa, ilang inosenteng tao ang namatay and it really breaks my heart.”

Edad 18 din siya nagkaroon ng unang boyfriend pero katorse naman siya ng makaramdam ng unang heartbreak, “Kasi mayroon akong nagustuhan na guy at ang masakit do’n gusto niya ‘yung second cousin ko tapos niligawan pa niya ‘yung bestfriend ko then may girlfriend siya na kilala ko rin.  Lahat ng babae nakikita niya except for me.”

Type na negosyo ni Rabiya ay punerarya, “Hindi naman natin ‘yun hinihingi but that’s the cycle of life.  Gusto kong magkaroon ng punerarya at gusto ko maganda ang make up ng mga kliyente ko.”

Ibinuking din ng beauty queen na paling siyang manood na ayon sa kanya ay mannerism niya, “Hindi ko alam kung bakit mas naririnig ko ang TV (sound) kapag naka ganito ako (patagilid ang tenga) kaysa naka-straight ako.”

Hindi rin umiinom ang dalaga ng kape dahil hindi niya kaya ang caffeine at inilalabas niya ito at nagpa-palpitate pa.

Interesting ang vlog na ito ni Rabiya para mas lalo siyang makilala partikular na sa mga taong gusto siyang maging kaibigan lalo’t single  siya ngayon.

Read more...