Sylvia kasama ang dancer na anak sa bagong project; Inigo may bagong pampa-good vibes | Bandera

Sylvia kasama ang dancer na anak sa bagong project; Inigo may bagong pampa-good vibes

Reggee Bonoan - July 26, 2021 - 03:36 PM

SINO ang mag-aakalang sa edad na 50 ay magiging endorser pa ng isang sikat na clothing line ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez?

Base sa Instagram post ng Bench ay kabilang ang aktres at ang anak niyang si Gela Atayde sa mga bagong celebrity endorser ng nasabing brand.

“Celebrate every body” ang tagline na nakasulat sa mga litrato nina Sylvia na may caption na, “No more wondering if the styles you love come in your size. Extended sizes are now available in-stores and online.”

Masaya ang aktres dahil kasama niya ang anak na si Gela sa bago niyang project na matagal na ring inaawitang mag-showbiz pero mukhang hindi ito interesado dahil ibang linya ang gusto ng bagets.

Kabilang si Gela sa grupong Encienda ng Poveda na lumaban na sa iba’t ibang international dance festival at laging nag-uuwi ng tropeo.

Sabi ng aktres tungkol sa kanyang bagong endorsement, “2 years contract. Ha-hahaha!”

O, di ba? Ang tarush ng aktres at kung wala lang sigurong pandemya ngayon ay malamang kabilang sina Ibyang at Gela sa rarampa sa taunang fashion show ng nasabing clothing line.

Isa pang ikinasasaya ni Sylvia ngayon ay ang pagiging nominado niya sa pagka-Best Drama Actress sa nalalapit na 34th PMPC Star Awards for TV para sa teleserye niyang “Pamilya Ko” na ipinalabas sa ABS-CBN noong Setyembre, 2019 hanggang Marso, 2020. 

Sa kasalukuyan ay kasama si Sylvia sa umeereng teleserye ng  Kapamilya network na “Huwag Kang Mangamba” kasama ang Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri.

* * * 
                                                 
May good vibes na hatid ang bagong kantang pinagsamahan nina Inigo Pascual at Moophs, ang kanilang unang all-Filipino song na “Araw Mo.”

Mapapakinggan na ngayon ang “Araw Mo” na tungkol sa pag-asa sa hinaharap at sa pagmamahal na naghatid ng nasabing pag-asa.

May hatid na passion at excitement ang pag-awit ni Inigo ng bagong Tarsier Records release na naglalahad ng mensahe na, “Ito ang araw mo (This is your day)!”

Samantala, ibinahagi naman ni Moophs na excited siya sa proyekto dahil sa unang pagkakataon ay gumawa siya ng Tagalog song para kay Inigo.

“I’m glad Inigo picked me to produce this for him. I don’t usually do Tagalog songs so this was cool to do,” ani Moophs. “It made me try some things in the music that I wouldn’t normally do and I was able to channel OPM vibes a bit more deliberately.”

Bukod kay Inigo, nakipag-collab din si Moophs ngayong taon sa iba’t ibang OPM artists, tulad nina Bugoy Drilon para sa awiting “Tied” at “Shipwrecked” at GIBBS para sa 70s pop-rock song na “Angel Baby.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan naman ay inilunsad ni Inigo ang kanyang first international album na “Options,” tampok ang ilang kolaborasyon nila ni Moophs tulad ng “Catching Feelings” at “Always.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending