DALAWANG beses nag-post si Xian Lim ng photo sa kanyang Instagram page kung saan talagang sinagasa niya ang baha sa kasagsagan ng bagyo.
“Life is not about waiting for the storm to pass, it’s all about dancing (or in my case) RIDING in the rain. I’ll try to post a vlog in my channel later tonight, i’ll keep you guys updated!”
“Ride safe mga ka-bikers!” Yan ang caption ng dyowa ni Kim Chiu sa kanyang post.
Ang daming nag-react sa post na ‘yun ni Xian. May mga nagbanggit pa nga ng name ng “It’s Showtime” host.
“The benefit of riding a big bike @xianlimm. Keeps you safe.”
“Nag alala tuloy si Kimmy sayo Xi next time tingin muna weather forecast, anyways mababait naman mga ksama mong bikers, ingat ingat lagi.”
“Ikaw talagang bata ka…..tini text ka na ng crush mo sa NDRRMC ng walang humpay…larga ka pa nang larga!”
“Bawal magkasakit Xian Lim! Ingat lagi kayo dalawa ni Kimmy! u both!”
“Ok na yan Xian…tama na. Madulas ang kalsada. Pag-umaraw na lang saka ulit mag-bike at sana kasama si Kim.”
“Kaya next time Xi, u listen to ur crush from NDRRMC bago mag motor day! Just be careful & stay safe!”
“Bravo Xian, have more vivid experiences to share having actually gone through the depths of the flooded avenue. Take care, be home safely always with Ducati big motorbike.”
* * *
Isang misteryosong dalagang bagong salta sa bayan ng Hermoso ang gagampanang karakter ni Jane Oineza sa pagpasok niya sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Dumating si Rose (Jane) last Friday (July 23) upang mamasukan bilang nurse ng tatay ni Father Seb (Enchong Dee) na may malubhang sakit. Kay Rose muna ipagkakatiwala ni Father Seb ang kanyang ama habang abala siya sa pagpapatayo ng simbahan sa tulong nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz).
Makikilala naman nina Mira at Joy si Rose bilang isang mabait na babaeng mapapalapit kay Barang (Sylvia Sanchez) dahil buong buhay rin niyang inaalagaan ang sariling inang mayroon ding mental health condition.
Samantala, manganganib naman ang church construction project nina Mira, Joy, at Father Seb dahil sa pagtutol rito ng mga taga-Hermoso. Nagkakalat kasi ang pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) ng impormasyon tungkol sa madilim na nakaraan ni Father Seb bilang isang dating kriminal at lasenggo.
Tuluyan na nga bang ipapatigil ang pagpapatayo ng simbahan? Ano ang totoong pakay ni Rose sa Hermoso?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel at iba pang platforms.