Alice kayang i-share ang dyowa sa ibang babae pero may kundisyon…

KAKAYANIN ng Kapuso actress na si Alice Dixson na i-share ang taong pinakamamahal niya sa iba kung may mga makatarungan at makabuluhang dahilan.

Natanong kasi ang aktres at dating beauty queen kung keri ba niyang gawin ang mga sakripisyo at mabibigat na desisyong ginawa ng karakter niya sa latest family drama ng GMA, ang “Legal Wives.”

Sa kuwento, gaganap siyang unang asawa ni Dennis Trillo na isang Muslim. Bukod sa kanya pakakasalan din ng karakter ni Dennis ang dalawa pang babae na gagampanan naman nina Andrea Torres at Bianca Umali.

Sa ginanap na virtual mediacon para sa nasabing Kapuso series, diretsahan sinagot ni Alice ang tanong kung okay lang sa kanya ang magkaroon ng kahati sa lalaking karelasyon niya.

“At first, if I was to be asked that, I would say parang malabo (na pumayag na may kahati sa asawa). But after thinking about it, I could be open to it if needed. 

“Parang kaya ko naman. You can love somebody in many different ways right?” tugon ni Alice.

Kailangan lang daw na may sapat na dahilan o rason para matanggap at maiintindihan niya ang nasabing sitwasyon at hindi basta may kahati lamang sa pagmamahal at atensyon ng taong mahal niya.

“When you’re mature, you can love someone differently. When you’re younger it’s a different kind of love. When you get older, it’s a different kind of love. So maybe if the parameters were right, kaya ko,” katwiran pa ng aktres.

Magsisimula na bukas ang “Legal Wives” sa GMA Telebabad after “The World Between Us”.

* * *

Bigatin ang cast ng upcoming GMA Telebabad serye na “Lolong” na pagbibidahan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid. 

Bukod kina Shaira Diaz at Arra San Agustin na nauna nang ipinakilala bilang leading ladies ni Ruru, kasama rin sa adventure series ng GMA Public Affairs ang mga beteranong aktor na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco at Malou de Guzman. 

Mapapanood din dito sina Rochelle Pangilinan at Ian de Leon kasama pa sina Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor. May special na pagganap naman sina Leandro Baldemor at Priscilla Almeda.

Overwhelmed nga raw si Ruru sa titular role na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

“I feel so blessed na pinagkatiwala sa akin ang proyektong ito. Ang maipapangako ko lamang po sa inyong lahat ay talagang ibubuhos ko po ang lahat dito,” sey ng binata.

Malaking break din na makatrabaho ni Ruru ang mga tinitingala at nirerespetong artista sa industriya. 

“Sobrang nakakataba po ng puso. It’s an honor na makatrabaho silang lahat. I just can’t wait na magawa itong proyektong ito at maipanood sa atin pong mga Kapuso,” say ni Ruru.

Read more...