Isa si Erich Gonzales sa mga home grown talents ng ABS-CBN na produkto ng Star Circle Quest 2004 na nangakong mananatiling Kapamilya forever at kabilang sa Star Magic.
Tumatanaw ang aktres sa network kung saan siya nakilala at maraming natutunan. Lahat iyon ay hindi niya malilimutan.
Aniya, ”Ever since I won Star Circle Quest in 2005, sila na ‘yung (family ko) kumbaga, sa kanila na ako lumaki in this industry. So lagi silang nandiyan to help me and guide me. They’re family.
“Marami naman ako natutunan. ‘Yung mga experiences natin ‘yun naman ‘yung tumutulong sa atin. To help us grow, makakapag-shape din sa atin. Kahit na ano pang mangyari they’re just there. Na-fi-feel ko yung support nila.”
Isa si Erich sa prime artist ng Kapamilya network dahil simula nu’ng nagbida siya sa “Katorse” noong 2009 ay lagi na siyang bida at sunud-sunod na ang teleserye hanggang sa panahon ng COVID-19 pandemic ay may trabaho siya, ang “La Vida Lena”.
Halos lahat ng serye ni Erich ay gusto namin lalo na ‘yung “Blood Sisters” na aminadong nahirapan siya dahil na-ospital pa, pero sulit naman dahil umabot pa ito ng 2 seasons.
At dito sa “La Vida Lena”, dual role siya bilang sina Magda at Lena at sisiw na ito para sa aktres dahil nagawa nga niya ang tatlong karakter.
Say ng dalaga ay maraming life lessons sa latest series niya, “Maraming lessons talaga silang matututunan from La Vida Lena and I feel like ‘yung kuwento is very relatable. Iba rin kasi talaga yung pagmamahal eh, kasi hindi lang para sa pamilya, pati sa sarili. Kasi lahat tayo meron tayo nun, kumbaga innate na yun sa atin.
“And one thing na hindi ko makakalimutan yung sinabi ni Magda na nu’ng tini-tease siya at binu-bully siya sinabi niya na hindi naman sila nagma-matter sa kanya so hindi importante ‘yung opinion nila. I guess it’s human nature, I feel like everyone talks talaga. Kumbaga nasa sa ‘yo lang ‘yan kung magpapa-apekto ka ba or kung ano yung gagawin mo. Kumbaga yung perspective, ganun lang. Yun siguro talaga.”
Oo nga sa rami ng isyung dumating sa buhay ni Erich ay hindi niya ipinakitang naapektuhan siya ng mga ito bagkus ay mas lalo pa niyang pinagbuti ang trabaho niya at puro positive ang posts niya sa social media accounts niya.
At ang maganda sa aktres ay hindi siya nag-isip ng masama sa mga taong nakagawa ng hindi maganda sa kanya tulad ng karakter niya sa “La Vida Lena”.
“I believe what goes around, comes around so kumbaga kung ano yung itinanim mo ‘yun ‘yung aanihin mo so might as well magtanim ka na lang ng mga mabubuti sa puso mo and then just stop stressing about the things that you have no control of. And instead, focus na lang sa mga bagay na kaya mo naman gawan ng paraan.
“Siguro, it’s about prioritizing kung ano ‘yung mas makakatulong para sa iyo. Kasi pag feeling mo okay ka, then you’ll be able to help other people also, parang ganun,” panuntunan niya sa buhay.
Ano naman ang reaksyon ni Erich sa mga bagong pasok ngayon sa Star Magic na mas madaling nakamit ang kasikatan ngayon kumpara sa kanya na ilang taon din siyang hinubog ng panahon.
“Mas maganda na dun ka mag-focus kesa sa ibang tao kasi parang it’s just not me para mag-compare sa ibang tao. I’m just very grateful to ABS-CBN and for as long as they want me, I’m here to stay. Yun lang yun,” katwiran ng aktres.
Anyway, napapanood ang ‘La Vida Lena” sa A2Z, TV5, iWantTFC, TFC at IPTV para sa taga-ibag bansa.