Willie ayaw munang magpa-interview tungkol sa Halalan 2022

SA Agosto pa ang pangakong announcement ni Willie Revillame  tungkol sa final answer kung tatanggapin niya ang alok ni Presidente Rodrigo Duterte na tumakbo o hindi sa programa niyang “Wowowin”.

Kasama kasi ang pangalan ni Willie sa mga listahan para kumandidatong Senador sa 2022 elections at kabilang din sina Raffy Tulfo at Robin Padilla na pareho nang nagpahayag na hindi sila tatakbo sa halalan.

Kaya naman may ilang news reporters na ang nagtatanong ulit sa TV host kung ano ang pinal niyang desiyon.

Pero sabi ni Willie ay wala siyang pagbibigyang interview kahit sino.

“So wala muna ho akong interview. Kasi wala pa naman akong desisyon. So ‘pag may pa interview na ako, pag may desisyon na.

“E ayoko munang magpa-interview dahil pinag-i-isipan at pinag-aaralan ko pa. Hindi ho ako nag fa-file, wala akong ano, basta ‘yun ho, kung ano man ho ‘yun, intayin ko lang ho ‘yung aming pag-uusap.

“Pagkatapos ng pag-uusap. Then I will decide. Then I will announce. So ngayon ho, wala naman akong i-announce dahil wala naman akong commitment,” paliwanag ng “Wowowin” host.

Tinanong din namin ang taong malapit kay Willie kung kailan ang takdang pag-uusap nila ni PRRD at ‘yun nga, hindi pa sila nakakapag-usap dahil mas inuuna ngayon ng ating pangulo ang problema sa bagong COVID-19 variant na nakapasok na sa Pilipinas bukod pa sa mga biktima ng kaliwa’t kanang baha dahil sa bagyo at heto ang latest, mga tinamaan ng malakas na lindol kaninang madaling araw sa Batangas kung saan kalahati ng bahay ay nahulog sa biglang pagbuka ng lupa.

Anyway, kung susundin ni Willie ang payo ng kanyang mga kaibigan ay hindi siya kakandidato sa 2022 pero sabi nga at the end of the day, ang may katawan ang magde-desisyon.

Read more...