Isang 6.6 na lindol ang yumanig sa malaking bahagi ng Luzon sa ganap na 4:48 ng madaling araw ngayong Sabado.
May mga naiulat na pagkasira ng mga ari-arian sa Mindoro at sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol sa mga karagatan 23 kilometro sa timog-kanluran ng Calatagan sa Batangas. May lalim itong 123 kilometro.
Pinakamalakas na naramdaman ang lindol sa Intensity V sa Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan at Magsaysay, Occidental Mindoro; Carmona at Dasmariñas City, Cavite.
Intensity IV naman sa Quezon City, Marikina City, Manila City, Makati City, Taguig City, Valenzuela City, Pasay City, Tagaytay City sa Cavite, Batangas City at Talisay City sa Batangas at San Mateo sa Rizal.
Naitala naman ang Intensity III sa Pasig City at San Jose del Monte City sa Bulacan.
Sa Instrumental Intensity, naramdaman din ang lindol sa lakas na Intensity IV sa Calumpit at Plaridel, Bulacan.
Intensity III sa Las Piñas City, Muntinlupa City, Malabon City, Navotas City;,San Ildefonso, Pandi, Malolos, San Rafael, at Marilao, Bulacan.
Intensity II sa San Juan City, Dagupan City at Polillo sa Quezon.
Intensity I naman sa Guinayangan, Quezon; Magalang, Pampanga; Iriga and Sipocot, Camarines Sur; Daet, Camarines Norte; Palayan City, Nueva Ecija; Iloilo City; Kalibo, Aklan; San Jose City, Antique; at Bago City, Negros Occidental.