Julia, Gerald sinusulit ang ‘bebe time’, halos ayaw nang maghiwalay

 

“ONE more thing to celebrate: receiving my GOLD button!!!! MANY, MANY THANKS!”

Ito ang ibinahagi ng aktres na si Julia Barretto kasama ang kanyang photo habang hawak hawak ang Gold Play Button nito mula sa YouTube.

Isa sa mga programa ng YouTube ay ang YouTube Creator Awards bilang pagkilala sa milestones ng mga YouTube vloggers.

At bilang parte ng selebrasyon sa bagong achievement ng aktres, muli itong mag-a-upload ng bagong video sa Sabado, July 24.

Halos isang buwan na rin ang nakakalipas nang huling maglabas ang aktres ng video sa kanyang channel.

Sinusulit kasi nito ang mga oras kasama ang kanyang pamilya habang wala pa itong project.

Nito lang ay nagbakasyon ito sa Baguio kasama ang kanyang pamilya pati na rin ang dyowa na si Gerald Anderson.

Halatang sinusulit rin ng magdyowa ang kanilang babe time dahil halos hindi sila mapag-hiwalay.

Kakatapos lang kasi ng taping ni Gerald sa teleserye nitong “Init Sa Magdamag” kaya lumuwag na ang schedule nito.

Kamakailan nga lang ay nagpost ang aktor ng pictures nilang dalawa na magkasama sa isang event ng Philippine Coast Guard.

Chika pa ng madlang pipol, kailan nga ba ang kasal?

Mukha kasing hindi na mapaghihiwalay ang dalawa. Marami ring haka-haka ang kumakalat na ready na ang dalawa base na rin sa kanilang mga naunang pahayag.

Matatandaan na minsan nang pinahayag ng aktres kung saan niya nakikita ang sarili five years from now nang tanungin siya ng kapatid na si Dani.

“I hope in 5 years I already have a child and a family,” saad nito.

At parang tumutugma naman ang statement ni Gerald sa kanyang isang vlog na “I always dream of simple and quiet family life.”

Read more...