‘Wansapanataym’ singer Michelle Ayalde humingi ng tulong para sa kanyang operasyon

NANANAWAGAN ng tulong pinansyal at dasal ang singer na si Michelle Ayalde upang masustentuhan ang kanyang gastusin para sa nalalapit na operasyon sa pancreas.

Sa isang Facebook post ng singer noong Sabado, July 17, kailangan niyang makalikom ng halos tatlong daang libong piso para sa kanyang nalalapit na operasyon.

“Needed 300k more or less for my surgery… (estimated only not included hospital room medications and laboratories) my pancreas are still inflamed… that’s why we cannot do the operation yet… by monday the surgeon will decide which procedure will be done …

“Was referred to an additional doctors. Neuro surgeon due to my AVMal. Cardiologist. Anesthesiologist for severe pain na hndi ako makatulog simula kahapon.

“If it’s not too much to ask i badly needed your prayers and financial assistance. God bless everyone.

“Gcash 09151074658 Joshua Braganza.”

Isa naman sa mga kaibigan sa industriya na si Brenan Espartinez ang nag-share ng post ng dalaga.

Anito, “Asking for prayers and help for a friend. Kindly share this on your timeline so we may get as much help as we can.”

Sa isa pang Facebook post nitong July 22, hindi pa rin naooperahan si Michelle at naiiyak na dahil sa laki ng bill sa hospital.

Dagdag pa nito, 97,000 na agad ang gastos sa professional fee pa lang.

Si Michelle ay nakilala sa kanyang pag-awit sa theme song ng “Wansapanataym” at sa ginawang nitong Tagalog version ng “Ni Yao De Ai”, isa sa mga kanta sa hit series na “Meteor Garden”.

Read more...