Alessandra umamin: Hindi ko talaga na-enjoy yung experience as a director

NUMBER one pa rin sa Netflix Philippines at sa iba pang bansa sa Asia ang pelikula nina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi na “My Amanda.”

Napanood na namin ang movie at in fairness naman, hindi nagkamali si Alessandra na sumugal nang bonggang-bongga sa nasabing proyekto bilang bida, writer, producer at direktor.

Hindi na kami magtataka kung humakot ng tropeo sa susunod na awards season ang “My Amanda”, kabilang na ang best actress at best director para kay Alex at best actor naman para kay Piolo.
Sa isang panayam, inamin ng aktres na talagang “buwis-buhay” ang ginawa niya para sa kanyang directorial debut.

“Siguro yung challenging is you do it all together all at the same time. Wala na sigurong mas challenging pa doon. Pero gusto kong ulitin but after of course I see the results.

“Gusto kong uliting maging director na hindi ako actor kasi hindi ko talaga na-enjoy yung experience as a director. Kasi wala ka du’n sa monitor tapos you feel the scene.

“Kasi ako wala eh, preview na lang pinapanood ko tapos walang nag-cut, ang pangit na pala. May mga kita na pala du’n sa side, mali na yung ano. Hindi ko nakita yung screen. 

“And since limited lang naman din yung days namin, siyempre pag-nagpi-preview ako nasa ulo ko na yung next scene kung paano gagawin kasi may time limit din. Yung ganu’n.

“So hindi ko talaga siya na-enjoy, yung pag-direct. Nakuha ko lang yung feeling nu’ng post-production na,” pahayag ni Alessandra sa interview ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, “Physically, it’s draining. Naospital ako because I kept everything inside. Ayokong bumaba yung energy sa set. So parang lahat ng stress ko nandito lang. So parang halo-halo yung feelings. Pagkauwing-pagkauwi parang after two days sumakit na yung back ko, sumakit na yung tiyan ko. Ayun na, hospital.

“Yung bank account ko hindi nag-recover kasi three times siya nangyari in two times na yun yung nararamdaman ko. At saka everything first time and I think I’m not really magagalitin din, eh. It takes a lot to really make me angry. 

“Pero at the same time kasi dahil baby mo siya eh. And you see naman that everyone is taking it seriously naman. But siyempre yung weather conditions, yung mga hindi maiiwasang pangyayari sa set,” natatawang chika pa ng leading lady ni Piolo Pascual.

Sa tanong kung bakit nagdesisyon siyang idirek ang pelikula, “I decided to direct it because no one wanted to touch it. Because they found it a little bit unbelievable.

“I have the closest friendships with men. I call them boys, not men and they treat me like a guy. I treat them like my older brothers. 

“It’s something that I wanted to share with Filipinos also that a guy and a girl can be friends and they can even take alcohol, get drunk, sleep beside each other. I don’t drink by the way but it had to be part of the film.

“Because I don’t want people to always be beside the opposite sex and think that there’s some sexual tension. 

“I want people to treasure friendships and appreciate them as they are and just stop having malice to everyone. That everyone’s there for sex or relationships,” paliwanag pa ni Alessandra.

Read more...