Sa Instagram post ng aktres at TV host, ikinuwento nito na nasa adjustment stage pa sila dahil ibang-iba ang buhay sa syudad.
“The City Girl is trying to adjust to provincial life.
“Nasa stage pa ako ng pag adjust talaga guys.. ang naituro sakin dito sa una naming gabi.. matuto mag hintay. Hindi lahat instant. Mag igib at mag tipid ng tubig.. at masaya ang puti ng kapaligiran pero sa OC na tulad ko.. ibang usapan dahil may balanse ng panic pag may dumi.. at talagang sa ganito daster is the key.
“Masasanay din ako.. pero masaya kasi may hangin kami at liwanag.. na ang tagal kong inasam.”
Noon pa man ay nais na nilang mamuhay sa probinsya upang maiwasan ang anxiety attacks na dulot ng pandemya.
Matindi kasi ang pag-iingat ng mag-asawa hindi lang para sa kanila kundi para na rin sa mga anak nito.
At ngayon nga ay masaya ang aktres dahil napagbigyan na rin ang kanyang hiling na tumira sa ligar kung saan mas panatag siyang kumilos at sigurado siyang ligtas ang mga anak.
Masaya rin ito dahil nagkakaroon na ng physical activities ang mga anak na kailangan rin ng mga ito para mapanatili ang malusog na pangangatawan. Ilan kasi ito sa mga bagay na hindi nila magawa noon.
Marami naman ang humanga sa kanilang simpleng pamumuhay. Isa na nga rito si Kylie Padilla.
“Your home looks so peaceful!” komento nito.
Naloloka man siya sa malaking adjustment sa buhay probinsya, naniniwala ang aktres na masasanay rin sila. Bukod dito, hiling niya ma sana mapanatili niya ang goal niya sa pagiging minimalist sa kanilang bagong tahanan.