Hugot ni Jennica: Nagkayayaan ang tropa tapos lahat may lovelife… maliban sa ‘yo!

MAINIT ngayon sa social media ang aktres na si Jennica Garcia matapos mapabalitang hiwalay na sa kanyang asawang aktor na si Alwyn Uytingco.

Napapadalas din ang pagpo-post ng Kapuso star ng mga funny lines ngunit punumpuno ng hugot at emosyon kaya naman maraming netizens ang nakaka-relate sa kanya.

Sa katunayan, nito lang nakaraang araw ay may post ang anak ng veteran actress na si Jean Garcia na picture kung saan ang una ay mag-isa lamang siya at ang sumunod ay litrato naman ng kaibigan niyang couple.

Havey na havey ang caption nito na, “MOOD. Yung nagkayayaan ang tropa tapos lahat may lovelife maliban sayo. Picture dito, picture don sabay silip ng tingin sayo.

“ME: Ge, ge, ge, ako na kukuha, kakahiya sa inyo. Ako na adjust. Saya kayo eh noh?” ang punchline pa ni Jennica sa kanyang post.

Nilinaw rin ng aktres ang mga ispekulasyon na nagkabalikan na sila ni Alwyn pagkatapos kumalat sa social media ang litrato nila na magkasama sa isang lugar sa Tanay, Rizal.
Wala raw balikan na naganap sabi ng aktres pero nagkakasama pa rin sila ng aktor sa ilang okasyon lalo na kung involved dito ang kanilang mga anak.
Nauna nang sinabi ni Jennica na maayos ang co-parenting agreement nila ni Alwyn pagkatapos nilang maghiwalay.

Tinanggal na rin ni Jennica ang apelyidong “Uytingco” sa kanyang IG username at pinalitan ito ng @jennicagarciaph.

Nangangahulugan kaya itong final na final na ang desisyon ng dalaga at wala na ngang chance para magkabalikan sila ni Alwyn?

Read more...