Angeline Quinto pinagbawalan ni Regine na magparetoke ng ilong

Angeline Quinto at Regine Velasquez  INQUIRER

HALOS hindi namin nakikilala si Angeline Quinto nu’ng makasalubong namin sa ABS-CBN. Kaya si Angeline pa mismo ang bumati sa amin. Ang laki kasi nang ipinayat niya, mas pumuti at pagkakinis-kins na ng balat.

Thanks to Dra. Vicki Belo for making Angeline more beautiful and star na star na talaga ang looks. Sobra pa kaming na-impress sa pagliit ng hita at binti ngayon ni Angeline. No wonder lagi na siyang naka-shorts ngayon.

Plano sana ni Angeline na magpaayos ng kanyang ilong. Pero pinayuhan daw siya ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na huwag nang ipaayos ang kanyang nose na mukhang susundin naman ni Angeline.

Nagkausap ang dating tagahanga at idolo sa Bible study na ginaganap sa bahay nina Regine at mister niyang si Ogie Alcasid. Isinama siya ni Erik Santos doon. Magkaibigan kasi ang dalawa but at the same time nali-link din si Erik kay Angeline.
No wonder hanggang ngayon ‘di tumitigil ang mga tsismis na may relasyon na ang dalawang singer. Mukhang type talaga ni Erik si Angeline, ha? May basehan naman kasi ang chika, kapareho ng apelyido ng ex-GF ni Erik si Angeline na si Rufa Mar Quinto. Pareho ring blessed sa dibdib ang dalawa. Kaya ‘di kataka-taka kung ma-in love si Erik kay Angeline.

Inamin naman ni Angeline na may dalawang suitors siya ngayon na parehong non-showbiz. Una, yung kababata niya na nagtatrabaho na ngayon sa bangko at ‘yung isa ay businessman na ang lakas ng loob na lumapit saka nagpakilala sa isang restaurant. Pero wala pa raw sa isip niya ang makipagrelasyon ngayon.

Excited namang ibinalita sa amin ni Angeline na gawa na ang bagong bahay niya sa Commonwealth na mahigit 500sq. m. ang laki. Furnishing na lang ang kulang. And within this year ay pwede na niyang tirahan.

Plano ni Angeline na tumira na roon by November. Kapag natuloy by November, she will be celebrating her first Christmas sa bago niyang bahay sa December. Although, sabi niya sa amin may show siya sa abroad on November and December.
Sa El Jardin condiminium malapit sa ABS-CBN nakatira ngayon si Angeline. Eto ‘yung dating condo ng Queen of All Media na si Kris Aquino na “ibinigay” niya kay Angeline. Konti na lang at malapit nang matapos si Angeline sa pagbabayad sa nasabing condo unit.

 

Read more...