Kilalang female celeb ilang beses nang nag-positive sa COVID-19, hanggang ngayon naka-quarantine

MARAMI ang nagulat na hindi na napapanood sa isang everyday TV show ang kilalang female personality.

Nakilala ang female star na ito dahil ipinartner siya sa isang male personality ngunit sa kalaunan ay binuwag din ang kanilang tambalan dahil kaya raw ng una ang magsolo sa kanyang career.

Biglang sikat nga si female personality at kaliwa’t kanan na ang imbitasyon sa kanya noong wala pang COVID-19 pandemic at nu’ng nagkapandemya na ay sa everyday show na lang muna siya napapanood.

Tinanong kami ng avid viewer ng programa kung bakit wala na ang kilalang female personality kaya nagtanong din kami sa mga taga-production.

“Naku, kawawa nga, eh kasi ilang linggo na siyang naka-quarantine dahil lagi siyang positive sa COVID-19.

“Nakakapagtaka nga kasi umokey na, nakapag-report pa, tapos nu’ng mag-swab test positive na asymptomatic naman,” kuwento sa amin ng source.

Umabot na raw sa dalawang buwang on and off sa pagiging asymptomatic ang kilalang female personality kaya nagtataka sila kung bakit nagkaganoon.

Mahigpit ang lugar kung saan naka-quarantine ang kilalang female personality kaya nakapagtataka kung bakit hindi siya gumagaling.

May ginagawa nga kayang “milagro” ang female celebrity na ito na hindi alam ng production? Hindi ba siya nag-iingat kapag kailangan niyang lumabas ng bahay?

Anyway, sana’y maka-recover na ang kilalang female personality dahil marami nang nakaka-miss sa kanya at kakaiba rin kasi ang dating niya kapag nasa nasa pang-araw-araw niyang programa.

                                               
  

Read more...