Hirit ni Alex sa katawan ni Maris: Asar ako sa abs mo, nagpapakita siya kahit ‘di tinatawag!

ALIW na aliw ang mga netizens sa naging reply ni Alex Gonzaga sa nag-viral na post ni Maris Racal.

Isang video clip ang ibinahagi ni Maris sa kanyang Instagram account at naka-tag nga rito si Alex.

Caption ng young actress at singer sa kanyang IG post, “Ate sandali!! Parang di ko alam kung natutuwa ba si ate @cathygonzaga or hindi?? Anyways, stream Ate Sandali on spotify!!!”

Kitang-kita kasi sa video ang pagkatutok ni Alex pati ang seryosong ekspresyon nito habang pinapanood si Maris sa kanyang performance ng latest single na “Ate Sandali”.

“Kinikilatis kita… magaling ang sawayan at performance mo. Asar ako sa abs mo nagpapakita sya kahit di tinatawag,” reply ni Alex.

Hindi naman nagpahuli ang mga netizens at kanya-kanya rin ang comment sa naturang video clip.

“Parang PE subject to ah HAHAHA si ate alex yung terror PE teacher tas student si ate maris, kapag may maling step 75 agad ang grade HAHAHA!”

“Lakas maka MISS MINCHIN! Hahahaha!”

“Pinakikinggan nya kase maigi kung pwede iremix yan sa “Chambe”. “Ate sandaleeee! Chambe chambe, chambe chambe, chambeeee!”

Ipinost din ni Maris ang naturang video sa Twitter kung saan nag-reply rin si Alex ng, “Tuwa naman ako gigil lang ako sa abs mo nagpapakita sya kahit di naman tinatawag.”

Read more...