Kisses Delavin, Maureen Wroblewitz pasok sa Top 100 ng 2021 Miss Universe | Bandera

Kisses Delavin, Maureen Wroblewitz pasok sa Top 100 ng 2021 Miss Universe

Therese Arceo |July 20,2021
facebook
share this

Kisses Delavin, Maureen Wroblewitz pasok sa Top 100 ng 2021 Miss Universe

Therese Arceo - July 20, 2021 - 07:19 PM

HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang mga kandidatang pasok sa Top 100 delegates ng Miss Universe Philippines 2021.

Nito lang Lunes, July 19, inilabas ng Miss Universe Philippines Organization ang listahan ng mga kandidata na pasok sa Top 100 na uusad sa next round of eliminations bago tuluyang mapabilang sa Top 30 finalists na siyang rarampa at magkakaroon ng tsansa sa grand coronation night na gaganapin sa September 25, 2021.

Dalawa nga sa mga ito ay ang young actress na si Kisses Delavin at ang model-actress na si Maureen Wroblewitz.

Si Kirsten Danielle Delavin o mas kilala bilang Kisses Delavin ay sumikat matapos itong manalo bilang 2nd Lucky Big Placer sa isang Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother”.

Bago pa man ang kanyang PBB journey, laman na ng beauty pageants ang dalaga. Sa katunayan, nagwagi na ito bilang Miss Masbate noong 2013 at Miss Kaogma noong 2016, parehas na taon ng pagpasok niya sa bahay ni Kuya.

Samantala, unang umugong ang pangalan ni Maureen Wroblewitz noong manalo ito bilang kauna-unahang Filipino sa fifth season ng reality show na “Asia’s next Top Model noong 2017.

Kamakailan lang rin nang pumirma ito ng kontrata sa Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN.

Comment naman ng ilang netizens, para daw itong laban ng mga Star Magic talents.

Matatandaan kasi na dati rin naging under Star Magic rin si Kisses bago ito lumipat sa Kapuso network.

Ilan rin sa mga beteranang aspirants na pasok sa Top 100 ay sina Binibining Pilipinas Tourism 2012 Katrina Dimaranan, Binibining Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista.

Muli ring lalaban sa pangalawang pagkakataon si Christelle Abello. Matatandaan na sumali rin ito noong nakaraang taon kung saan nakalaban niyo ang reigning Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending