Kris Aquino pinayuhang wag tumakbong vice-president sa 2022: Senador at congresswoman na lang! | Bandera

Kris Aquino pinayuhang wag tumakbong vice-president sa 2022: Senador at congresswoman na lang!

Reggee Bonoan |July 20,2021
facebook
share this

Kris Aquino pinayuhang wag tumakbong vice-president sa 2022: Senador at congresswoman na lang!

Reggee Bonoan - July 20, 2021 - 04:52 PM

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa posibleng pagtatambal nina Kris Aquino at Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 presidential elections.

Obviously, bise presidente ang sinasabing pwedeng takbuhan ni Kris kapag naging ka-tandem niya si Yorme Isko na balitang kakandidato nga sa pagkapresidente.

May mga nabasa kaming reaksyon ng mga netizens na okay daw kumandidato si Kris sa 2022, pero huwag bise presidente dahil tiyak na mahihirapan siya bukod pa sa baka lumala ang sakit niya dahil kailangan niyang libutin ang buong Pilipinas.

Marami namang pabor na sa pagtakbo niyang congresswoman o senador para mas bagay sa kanya lalo’t kayang-kaya niyang gumawa ng batas at kaya niyang i-justify ito.

At isa na nga sa unang susuporta kay Kris bukod sa pamilya niya kung sakaling matutuloy siya sa 2022 ay ang talent manager na si Manay Lolit Solis.

Nag-post si Manay Lolit ng larawan ni Kris dahil nga nag-viral ang tandem nila ni Yorme Isko.

Ang caption niya, “Alam mo Salve, pag nag run as Senator si Kris Aquino iboboto ko. Aside from matalino siya, at siguro after makita niya iyon pagiging Presidente nila Tita Cory at P’Noy malaki na rin ang experience niya as a politician.

“People person si Kris Aquino, meron siyang magnet sa tao, either you like her or not, either you love her or hate her. Isang bagay naman na gusto ko sa kanya iyon hindi siya nagtatanim ng sama ng loob, erratic nga siya, minsan maganda ang mood, minsan bad.

“Pero kahit ano pa sabihin o gawin mo, parang hindi mabigat ang pagdadala niya, now hindi ka kakausapin, mamaya lovey dovey na uli kayo. 

“So dapat din ganuon ka sa kanya, don’t take her too seriously, huwag mo masyadong ikatampo ang mga moods niya, o kaya bigyan ng sibra malisya ang attitude niya.

“Basta what you see, is what you get. Pag bad mood siya, tahimik ka, pag sweet siya, sweet ka rin. Pero tiyak ako pag nasa puwesto si Kris Aquino hindi siya aabuso, kasi nakita ko iyon ng panahon ng ng nanay niya at kapatid. Sumusunod siya sa batas, hindi nanghihingi ng favor.

“Kaya pag nag run siya as Senator, vote ko siya. Isa siya sa magiging kandidato ko, promise. At siguro, very fun ang senado pag nanduon na si Kris, sure ako, senate will never be the same again, wanna bet?” pahayag ng talent manager.

Pero concerned naman ang netizen na si @lenestrella, “No need baka lalo humina katawan nya sa stress. Health is wealth.”

Grabe, ang dami ngang may gustong maging senadora si Kris tulad ni @iammoree_07, “Ayy… Parang bet ko din yan kesa sa ibang kakandidato.”

Sabi ni @nicolas_sac, “@iammoree_07 kung kay Panelo or Harry Roque lang, Kris na!”

Ipinapanalangin din ni @agnesnamujhe na, “Praying kris to run. Mag register kami buong pamilya.”

Naaliw naman kami sa sinabi ni @jamibubbles, “Sa lahat ng sinulat mo dito sa IG, Manay ito ang namukod tangi na gusto ko (clapping hands emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Actually maraming may gustong maging senadora si Kris, ilang beses na siyang nanalo sa survey kaso mahina ang katawan niya sa ngayon. Pero sabi nga powerful ang prayers, malay natin…kaya abangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending