Sunshine Garcia, Alex Castro excited na sa kanilang 2nd baby

EXCITED na ang former Sexbomb Dancer na si Sunshine Garcia at ang asawa nitong si Alex Castro sa pagdating ng kanilang second baby.

Ibinahagi ni Sunshine ang masayang balita sa publiko sa pamamagitan ng Instagram photo nila ni Alex na kuha sa isang gym pagkatapos ng kanilang workout.

“See you soon bunso. Excited na kami makita ka. Pwede ka maging makulit ha wag lang kasing kulit ni AXEL pls @bmalexcastro,” ang caption na inilagay ng aktres at dancer.

Nag-post din si Alex gamit ang kaparehas na photo na may caption namang, “Surprise! May bunso na naman kami ni @sunshine_garcia excited na kami na mabuhat ka at alagaan. We still don’t know the gender pero maging healthy ka lang happy na kami.”

Agad namang nagpahaging si Sunshine sa kahustuhan niyang magkaroon ng baby girl.

“Babae yan! Or pag hindi gawin ko qna lang Babae,” comment nito sa post ng asawa.

Marami namang mga kaibigan ang nag-congratulate sa bagong blessing na dumating sa buhay ng celebrity couple tulad ni Kaye Abad.

“Tingnan mo nganaman oh. Parang kelan lang pinag uusapan natin kung pano makaka buo. Ngayon nakaka dalawa na tyo! Congrats sa inyo mare!” comment ni Kaye Abad.

“WOAH!!!! ATE SS!!!!!!! so happy for the both of youuu!!!” comment naman ni Ritz Asul na kasama ni Sunshine sa comedy variety show na “SundayKada.”

“Ninang na naman kame” comment naman ng former Sexbomb dancer na si Johlan.

Read more...