Wilma Doesnt mas lalo pang na-in love sa kanyang fiancé: Mahal na mahal niya ang mga anak ko! | Bandera

Wilma Doesnt mas lalo pang na-in love sa kanyang fiancé: Mahal na mahal niya ang mga anak ko!

Reggee Bonoan |July 20,2021
facebook
share this

Wilma Doesnt mas lalo pang na-in love sa kanyang fiancé: Mahal na mahal niya ang mga anak ko!

Reggee Bonoan - July 20, 2021 - 09:58 AM

MAY petsa na ang kasal ni Wilma Doesnt at ng fiancé niyang si Gerick Parin matapos ang kanilang engagement noong Hulyo 10.

Base sa nakaraang panayam nina Nanay Cristy Fermin at Rommel Chika sa programa nila sa Radyo Singko 92.3 na “Cristy Ferminute” ay nabanggit ng komedyana na sa Marso 22, 2022 magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Base kuwento ni Wilma ay nalaman niya ang petsa ng kasal nang magtanong sila sa taga-Aquila Crystal Place Tagaytay kung saan gagawin ang seremonya.

Kuwento ni Wilma kina ‘Nay Cristy at Rommel, “Alam mo ba nagulat ako? Sa lahat naman ng lalaki na lumapit sa akin nagpatulong mag-propose, si Bebelove (mo) lang ang may date na kung kelan kayo ikakasal.’ Ang taray, ’di ba?

“Yung date n’ya is March 22, 2022. ’Yun ‘yung date n’ya. Tapos inisip ko kung bakit ’yun ang pinili n’ya. Ah, anniversary namin ’yun. Fifteen years na namin, ’yun ’yung araw na pinili niyang magpakasal kami,” kuwento ng model at aktres.

Sa loob ng matagal na panahon nilang magkarelasyon ay mas lalong tumindi ang pagmamahal niya sa kanyang mapapangasawa dahil tanggap nito ang kanyang mga anak.

“With Bebelove naman, maingat s’ya sa akin, ’yung respeto n’ya sa akin, tanggap n’ya ’yung mga anak ko above all.

“Mahal na mahal n’ya ’yung mga anak ko, si Asiana, si Svetlana, mahal na mahal n’ya ’yung mga babae kong anak.

“When it comes to his family naman, okey naman ang relasyon ko sa mga kamag-anak. Alam mo na, mga in-laws kilalang-kilala mo ako, ’Nay, kayang-kaya ko ’yan,” sambit ng komedyana.

Tinanong ni ‘Nay Cristy kung ano ang gagawing kakaiba ni Wilma sa kanyang kasal, “I’m sure magmo-model ka. Magmo-model ka siguro sa aisle.”

Tumawang sabi ni Wilma, “Huwag ka mag-alala. Makikita mo ’yan. Kasama ka sa makakakita kung ano ang gagawin ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang sabi ni Nanay Cristy, “Sana tapos na ang pandemya sa March 2022.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending